JUDY ANN SANTOS HUMAHATAW ANG ADOBO BUSINESS

PAGKATAPOS ng tagumpay ng kanilang food business na “Angrydobo” na The pointmatatatagpuan malapit sa LRT Dela Salle Taft, may bagong nilulutong negosyo ang power couple na sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

Sa isang Instagram post, ipinahayag ni Juday ang kuwento sa pagbubukas ng kanilang business venture at ang natutunan nilang mag-asawa sa lahat ng pagsubok.

Kasabay din nito ay isang sorpesang pasabog para sa mga taga-South.

Aniya: “Cooking up something big for everyone, especially the southerners. (hint,hint!)”

Nagpasalamat din ang actress-restaurateur sa lahat ng sumuporta sa kanyang pangarap.

“From the bottom of my heart.. maraming maraming salamat po for making this girl’s dream to become a Chef come true. Love and Life is truly full of surprises… #Angrydobo #madewithlove”

Binigyan din niya ng kredito ang kanyang mister na ever supportive sa kanyang passion.

“To my husband, my life, my love.. Ryan, I will forever be grateful and thankful to you for making me realize that I can be more.. thank you for always having my back and for inspiring me to be better.. I love you forever,” ani Juday.

Si Juday ang napisil ni Mother Lily na guma­nap sa kanyang life story na ididirehe ng acclaimed at award-winning director na si Erik Matti.

Malapit na rin siyang mapanood sa Kapamil­ya teleseryeng “Starla” kung saan kasama niya si Raymart Santiago.

Meron ding sariling vlog si Juday tampok ang mga kakaiba niyang recipe.