PRIOR to the actual auditions, pumunta raw si Julia Barretto sa auditions ng Darna.
Ito ang ibinalita ni Julia sa mediacon ng pelikulang Between Maybes kamakailan.
Mayo 4 at 5 (Sabado at Linggo) ng 10 A.M. sa ABS-CBN Entrance Gate ang auditions ng Darna.
“May mga nakapila nga, e. Actually, inunahan ko na, e. Pumasok na nga lang ako.
“Sabi ko, ‘Minsan lang naman ‘to. Bahala na,” said Julia who seemed to be in a joking mood.
How was the audition?
“Hindi nila ako sineryoso,” she intimated. “Sabi ko nga, ‘Maghuhubad na po ba ako? Kasi, ready na po ako, e.’
“So, umiikut-ikot ako roon. Gumaganu’n-ganu’n. aha
“Tinawanan nila ako. Baka ayaw nila. Hahahahaha!”
In fairness, Star Cinema and Star Hunt recorded her audition.
But is she serious with her audition?
“Hahahaha! Seryoso, pumunta talaga ako sa audition kanina. Totoo talaga!” What if it would be offer to her?
“E, kunin natin. Sabay-sabay lahat tayong lumipad,” she said casually.
Anyway, Direk Jerrold Tarog would want the new Darna to have charm, presence, and must know how to act.
Si Gerald Anderson nga pala ang katambal ni Julia sa pelikulang Between Maybes, that is slated to get shown on May 15.
AKTOR DEDMA SA PRESS NA ‘DI PABOR SA KANYANG KARELASYON
KUNG dati’y super accommodating ang aktor na ‘to sa press, ngayon ay parang deadma na siya. Pa’no kasi, hindi raw tanggap ng press ang bago niyang karelasyon dahil awang-awa sila sa babaeng una niyang nakarelasyon na ngayo’y ipinagpalit na niya sa isang chick na oo nga’t maganda at sariwa pero hindi naman tulad sa nauna niyang karelasyon na subok na niya ang pag-uugali.
Pero matindi nga ang kaway ng pag-ibig para sa dating mabait na aktor na ngayo’y may angas na raw na naturingan.
Miss na miss na nga raw ng press ang dating pag-uugali nang aktor na napakabait at grasyoso sa press.
But things are purportedly a lot different now.
Nagbago na raw ang grasyosong aktor na dati’y terrific ang PR.
Well, sometimes, people change specially if you already have the things that you hanker for and the money that you need.
Lumalaki kasi ang ulo at nag-iiba ang pananaw.
‘Yun nah!
NADINE LUSTRE MAY STRUGGLE SA PANIC ATTACKS
MAY episode pala ng panic attacks si Nadine Lustre.
Pag inaatake raw siya nito, kinakausap lang niya si James Reid, ang kanyang security blanket.
Pero may mga oras raw na bigla na lang siyang kinakabahan.
“As much as possible, I try to surround myself with people who support me and show so much love and care.
I just communicate a lot kasi, when I was younger, that’s what I learned.
“Before, hindi po ako nagsasalita. Hindi ko po sinasabi sa ibang tao ‘yung nararamdaman ko and, eventually, nasa loob lang po siya.”
Anyway, last May 3, humarap si Nadine sa entertainment press para sa victory presscon ng Viva Artists Agency for having won the best actress trophy at the 67th FAMAS.
Nanalo siya bilang best actress sa Never Not Love You, the movie she and James had starred in.
Upang labanan ito, sinusubukan daw ni Nadine na palibutan ang kanyang sarili ng mga taong totoong nagmamahal at nangangalaga sa kanya.
Napagkakamalang suplada si Nadine, pero ito ay dahil hindi raw siya secure na makipag-usap sa mga tao.
Aminado si Nadine na hirap siyang umakyat sa stage nang tanggapin ang kanyang FAMAS best actress trophy dahil sa kabang nararamdaman, hindi raw talaga siya sanay magsalita sa harap ng maraming tao.
Follow me at my Twitter account Pete Ampoloquio, Jr. Ito ‘yung kasama ko si Alden Richards.
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
Comments are closed.