JUNIOR ALTAS WALANG DUNGIS

Mga laro sa Miyerkoles:
(Filoil EcoOil Centre)

8 a.m. – JRU vs Mapua
10 a.m. – Arellano vs LSGH
12 noon – San Beda vs Perpetual
2:30 p.m. – EAC vs SSC-R
4:30 p.m. – Letran vs LPU

NAHILA ng University of Perpetual Help System Dalta ang kanilang perfect run sa tatlong laro sa  110-91 panalo laban sa La Salle Green Hills sa NCAA juniors basketball tournament kahapon sa Filoil EcoOil Centre.

Nagpamalas si Amiel Acido ng solid all-around game na may 33 points, 10 rebounds, 5 assists at 4 steals habang nagdagdag si Wayne Valencia ng 20 points para sa Junior Altas.

Naibalik ng defending champion Letran ang kanilang winning ways kasunod ng 78-66 pagdispatsa sa San Sebastian.

Nagbuhos si June Silorio ng 13 points, 9 rebounds, 4  assists, 2 steals at 2 blocks, umiskor si Alex Gazzingan ng 13 points, habang nagtala si George Diamante ng double-double na 11 points at 10 rebounds para sa Squires.

Sinamahan ng San Beda ang Letran sa 2-1 matapos ang 85-77 pagbasura sa Arellano University.

Nakalikom si Hendric Vailoces ng 14 points at 10 rebounds habang nag-ambag sina Drei Lorenzo at Kirk Cañete ng 11 at 10 points, ayon sa pagkakasunod, para sa Red Cubs, na tinalo rin ang Squires noong nakaraang Biyernes.

Samantala. pumasok ang Jose Rizal University sa win column sa pamamagitan ng 85-79 win kontra Lyceum of the Philippines University, sa pangunguna ni Lee Marin na may 30 points.

Nahulog ang Light Bombers at Braves sa 1-2, habang nanatiling walang panalo ang Greenies at Junior Pirates sa tatlong laro.