TIMBOG ang isang barangay kagawad at isa pa nitong kasama sa pagbebenta ng ilegal na droga sa Sampaloc, Maynila.
Kinilala ang mga naaresto na sina Brgy. Kagawad Diana Guiao at kasamahan nitong si Benjamin Velasquez sa ikinasang buy bust operation ng Manila Police District-Station 4, sa Sampaloc, Maynila.
Sinasabing nasa ikatlong termino na ni Guiao sa kanyang puwesto bilang isang kagawad ng Brgy. 537, Zone 53, Sampaloc, Maynila.
Napag-alaman ng mga awtoridad na ang dalawa ay nagbebenta ng ilegal na droga sa kanilang lugar.
Sa ulat ng mga awtoridad, dakong alas-10 ng gabi nang isinagawa ang operasyon laban sa dalawa sa pangunguna ni P/Capt. Edwin Fuggan, ng MPD-Station 4, Station drug Enforcement Team.
Nakuha mula sa mga suspek ang apat na sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P1,800 at ang P300 na marked money na ginamit ng mga pulis sa isinagawang buy bust operation.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Comments are closed.