HELLO everyone! Ito po ang AskUrBanker. Tuwing Sabado, ako po ang inyong makakasama, ang inyong Kuya Mark, at ako po ang tutulong sa inyong humanap ng kasagutan sa inyong mga question marks about banking.
Ngayong Sabado, ating pag-uusapan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng savings account sa financial freedom.
Mahilig ka bang mag-ipon at magtago ng pera sa ilalim ng iyong kama, o ‘di kaya naman ay sa isang aparador? Maaari rin naman na itinatago mo ang iyong ipon sa isang ‘piggy bank’ o alkansya na gawa sa bakal o plastic. Kung ikaw ay mahilig mag-ipon, binabati kita sapagkat ang pag-iimpok ng pera ay susi sa pagkakaroon ng magandang kinabukasan. Kung ikaw naman ay wala pang ipon, maaari mo nang simulan ito sapagkat ang pagkakaroon ng savings ay mahalaga sa pagkamit ng ‘financial freedom’.
Hindi natatapos sa pagkakaroon ng ipon sa alkansya ang daan sa pagkakaroon ng ‘financial freedom’. Ang pinaka-basic step na kailangan mong gawin ay magbukas ng savings account sa bangko. Ngunit maaaring iniisip mo kung bakit kailangan pa ng savings account kung puwede namang itago na lamang ang savings sa mga alkansya o piggy bank sa bahay. Naririto ang ilan sa mga rason kung bakit mahalaga ang pagbubukas at pagkakaroon ng sariling savings account sa bangko:
- Una, seguridad. Makasisiguro ka na hindi mawawala o mababawasan ang perang nakatago sa iyong savings account. Kumpara sa perang nakatago sa bahay, maaari itong mawala dahil maaaring mapagkamalan na pera ito ng iyong kapamilya.
- Pangalawa, interest earning. Ang kagandahan sa isang savings account ay maaari kang kumita ng interes. Buwan-buwan, nadaragdagan ang savings mo sa pamamagitan lamang nang paglalagay ng pera sa iyong savings account. Kung nasa alkansya lamang ang savings mo, mawawala ang oportunidad na kumita ito ng interes.
- Pangatlo, record keeping. Sa pag-iimpok ng pera, mahalaga ang pagkakaroon ng record upang natatandaan natin kung magkano na ang ating naiipon. Sa pagkakaroon ng savings account, maaari kang humingi ng record ng iyong savings, o maaari mong gamitin ang iyong passbook sa pag-track ng pasok ng pera sa iyong savings account.
Ilan lamang ito sa mga advantage ng pagkakaroon ng sariling savings account. Ano pang hinihintay mo? Katulong ang AUB, makakamit mo na ang pangarap mong ‘financial freedom’. Dalawang klase ng savings accounts ang i-o-offer ng AUB sa iyo: ang Starter Savings at ang Preferred Peso Savings.
Bumisita na sa kahit anong AUB branches upang malaman kung anong klase ng savings account ang makatutulong sa iyong goal na magkaroon ng ‘financial freedom’. Para sa karagdagang detalye, mag-AskUrBanker na!
Alamin din ang iba’t iba pang products at services ng AUB sa www.aub.com.ph o kaya naman ay i-follow ang AUB sa Facebook (AUB.official) o sa Twitter/Instagram at Youtube (AUBofficialph).
Remember, it is always best to AskUrBanker! Hanggang sa susunod.
Comments are closed.