(Kahit muntik nang mamatay) KIM CHIU PINAIRAL PA RIN ANG PAGIGING PROPESYUNAL NA ARTISTA

Kim Chiu

MATINDI pala talaga ang nangyari kay Kim Chiu.  Pinagbabaril ng riding-in-entra eksenatandem ang kanyang van sa may Katipunan Ave. nitong Miyerkoles. Ayon pa kay Kim, dapat daw  ay magbabasa siya ng script, pero dahil inantok ini-recline ang kanyang upuan at matutulog sana siya nang biglang makarinig ito ng mga putok ng ba­ril at paglingon niya ay may nakita siyang isang bala sa windshield. Agad daw niyang kinumusta kung okay ang kanyang driver at PA kasi butas din ‘yung windshield sa driver seat at maayos naman daw ang mga ito.

Walang maisip na kasalanan si Kim at siya pa raw ang magkakaroon ng kaaway. Naka-hang daw si Kim nu’ng mga oras na iyon pero minabuti pa ring magpasundo sa isa pang driver para pumunta sa taping ng kanilang te­leserye ni Xian Lim.

Nag-shoot siya ng da­lawang eksena at pagkatapos ay umuwi na. Grabe, pinairal pa rin ang propesyunalismo ng actress na kung sa iba nangyari ay baka nagpa-ospital na at umuwi ng bahay.

Ang nakagaan nang loob kay Kim ay ‘yung mga more than 100 text messages at mga tawag na tinanggap mula sa fans at iba pang taong nagmamahal sa kanya. Isang malaking milag­ro ang nangya­ring  ito kay Kim na iniligtas ng Itaas at ng kanyang namayapang ina na nagsisilbi niyang guardian angel.  Marami ang nakikisimpatiya rito at ‘yung exclusive interview ng actress kay MJ Felipe ng TV Patrol ay humamig na ng almost 4 million views.

“Bahala na lang ang Diyos sa riding in tandem na ‘yun,” sabi pa ni Kim na malaki ang paniniwala na biktima lang siya ng ma­ling akala.

JC GARCIA MAY MALAKING PROYEKTO SA AMERIKA

NANG maka-chat namin lately si JC Garcia ay sinabi nitong kinalimutan na niya ang nangyari sa nakaraang SRO Valentine concert nila ni Yolanda sa Fort Mckinley sa South San Francisco, California at nagkausap na raw sila ng BFF niyang singer at tumawag ito sa kanya at nagpaliwanag. Walang masamang tinapay para kay JC kaya patuloy siyang blessed.

Isa na rito ay ang magandang offer sa kanya, kung saan nakatakda siyang mag-perform sa malalaking venue sa San Francisco kung saan siya ang lead vocalist ng banda. Ayon pa sa kaibigan naming recording artist-choreographer-radio anchor (JC) ay na-e-enjoy niya ang pagkanta sa Smule at marami na rin siyang supporters dito na nagre-request na maka-duet siya dahil idol siya ng mga ito.

Tuloy-tuloy rin ang promotion ng single ni Jc na “Paalam” na most requested song sa kanyang weekly(every Monday) na internet radio show na “It’s Showtime” na napapakinggan at napanonood sa Fil-AM radio sa buong mundo.

PREMYONG MULA SA ‘JUAN FOR ALL, ALL FOR JUAN’ PERSONAL NA INIHAHATID NG DABARKADS

TOTOONG may malasakit ang Eat Bulaga sa mga nagiging winner nila sa Barangay APT sa Juan For All, All For Juan na dahil alam nilang walang sasakyan ang mga ito ay inihahatid na mismo ng sinuman sa Dabarkads ang iba’t ibang premyo sa tahanan mismo ng daily winner.

Madalas ay sina Jimmy Santos o Anjo Yllana, ang nagpupunta sa nanalong studio audience para ibigay ang lahat ng mga napanalunan nito tulad ng appliance showcase mula sa Hanabishi Appliances.

‘Yung cash mula sa mga sponsor at bonus cash ng EB na P60k ay ibinibigay na mismo sa APT Studios. Saan kaya manggagaling ang susunod na winner mula sa Yellow, Green, Blue o Red Team kaya? Panoorin ang nasabing segment at iba pang  mga patok na segment araw-araw sa Bulaga!

Comments are closed.