Sobrang sama ng loob ni Heart Evabgekista nang may mag-comment sa kanya sa social media na kaya mukha siyang bata at maganda ay dahil wala siyang anak.
“I have lost four babies already. Don’t give me this shit,” aniya.
May nag-comment kasi sa TikTok na “parang ang bata ni heart” May sumagot na isang netizen — “wala kasing anak.”
Hindi palapatol si Heart sa mga comments sa social media ngunit sa pagkakataong ito, sumama talaga ang kanyang loob. Aniya, maganda siya at mukhang bata dahil inaalagaan niya ang kanyang sarili, at walang kinalaman dito ang pagiging childless niya.
“Darling, nag-e-effort po akong magpaganda and I live a very grateful and peaceful life. That makes a big difference.” Dagdag pa niya, “And every day po ako nagde-derma kaya ako fresh.”
Pero kahit pa umano pumangit siya at magmukhang matanda, kung mabubuhayan naman siya ng anak, okay lang daw kay Heart basta magka-baby lang siya.
Sabi pa niya, madali na uling magpaganda matapos manganak. Okay lang daw na magkaroon siya ng stretch marks o tumaba, o mangitim ang kili-kili, kung magiging malusog naman ang kanyang baby, okay lang.
Noong Mother’s Day, May 12, 2024, ibinalita ni Heart na nagkaroon siya ng fourth miscarriage. Sobra umano siyang heartbroken dahil dito, pero umaasa pa rin siyang isang araw, diringgin din ng Diyos ang hiling niyang magkaroon ng anak, kait isa lang.
NLVN