(Kahit walang safety seal – DTI) GYMS PAYAGANG MAGBUKAS

gyms

DAPAT na maging opsiyon lamang ang safety seal para mapalawak ng mga gym operator ang kanilang kapasidad sa halip na maging rekisito upang muling buksan ang kanilang negosyo, ayon sa Department of Trade and Industry ( DTI).

Sa isang briefing sa Palasyo, sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez na aapela siya sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na payagan ang mga gym at fitness clubs na muling mag-operate sa 20-percent capacity kahit walang safety seal.

Aniya, layon nitong matulungan ang mga gym operator na agad na maibalik ang kanilang economic activities at ang may 22,000 trabaho sa sektor.

Noong nakaraang linggo ay pinayagan ng IATF ang mga gym at fitness club na muling magbukas sa kondisyong mayroon silang safety seal, isang good housekeeping badge na inisyu ng gobyerno na nagsisilbing patunay na nakatugon ang establisimiyento sa minimum health protocols.

“We shall be requesting that this will be voluntary also,” ani Lopez

Ipinanukala ni Lopez na bago kumuha ng  safety seal, ang lahat ng gyms at  fitness clubs ay payagang mag-operate sa 20-percent capacity.

“If these establishments already secured the good housekeeping seal, they will be allowed to expand their capacity up to 30 percent, or an additional 10 percentage points,” sabi pa ng kalihim.

“Gyms are essential especially for our physical (wellness) and fitness,” dagdag pa niya.

33 thoughts on “(Kahit walang safety seal – DTI) GYMS PAYAGANG MAGBUKAS”

Comments are closed.