KAHUSAYAN NI TITSER PINALAWAK PA NG TESDA

NAGING ambag sa kanyang tagumpay ang taglay na mga kaalaman, iba’t ibang kasanayan mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at ang positi­bong pananaw sa buhay.

Si Fernando Yap Ramos, taga-Cagayan Valley ay isang ‘versatile’ secon­dary school head teacher at kasalukuyang School Offi­cer-in-Charge ng Baybayog High School sa Division of Cagayan.

Isang Computer course ang unang tinapos ni Fernando kaya nagtrabaho siya bilang computer laboratory aide, call center agent at supervisor sa isang book store. Kasunod nito, kumuha siya ng kursong Bachelor in Secondary Education, Major in English at unang nagturo sa Baybayog High School (BHS) noong 2009 at isa sa mga subject na naka-assign sa kanya ay ang Home Economics.

Fernando Yap Ramos

Dahil sa kakulangan ng kaalaman sa nasabing subject, nag-enroll si Fernando sa isa sa mga accredited school ng TESDA sa Tuguegarao City – sa Florencio L. Vargas College (FLVC), ng kursong Food and Beverage Services NC ll. Ang mga sumunod nitong kinuha, Bread and Pastry Production NC ll, Front Office Services NC ll, Housekeeping NC ll, Cookery NC ll at Bartending NC ll.

Noong Agosto 2016, kumuha siya ng kanyang Trainers Methodology Certificate l at nag-aplay para sa National Technical Vocational Education and Training (TVET) Trainer Certificate Level l sa Food and Beverage Services NC ll, at National TVET Trainer Certificate Level l sa Bread and Pastry Production NC ll.

Upang makatulong na mabawasan ang unemployment sa kanilang lugar, nagtayo siya ng negosyong catering services. Karamihan sa mga kinukuha niyang empleyado ay mga out-of-school youth lalo na yaong mga walang oportunidad na makapasok sa kolehiyo na nagiging hadlang sa kanila para makahanap ng maayos na trabaho.

“I patiently trained my workforce with the different skills in the various services that we offer,” ayon kay Fernando.

Sa simula, nagke-cater lamang sila sa mga ma­liliit na pagdiriwang tulad ng kasal, subalit dahil sa kalidad ng kanilang serbisyo nakilala sila hindi lamang sa kanilang lugar kundi sa mga kalapit na munisipalidad.

Nagtayo rin siya ng consultancy and training company para sa kapwa niya catering owners sa kanilang lugar.

Nang maging coordinator siya sa senior high school sa BHS, inirekomenda niya ang pag-aalok ng technical-vocational-livelihood (TVL) track sa kanilang school at agad naman itong in-aprub ng kanilang school head.

Inialok din niya ang kanyang Jheta-Gems Gowns and Catering Services bilang partner industry ng BHS para magagamit na laboratory o pagsasanayan sa labas ng school campus ng mga estudyante para sa exposure, pagpapalawak at pagpapahusay sa kanilang kasanayan.

Pinasimulan niyang ituro ang TVL sa Grade 10 sa ilalim ng Home Economics Strand.

“During the conduct of career guidance for Grade 10, I used to introduce the TVL track and was able to motivate students to enroll in the said track because it could give them the knowledge and skills for employment or even to put up a small business right after finishing senior high school,” ani Fernando.

Ang mga kurso/qualification na iniaalok sa ilalim ng TVL track ay Cookery, Food and Beverages Services, at Bread and Pastry Production.

“TESDA for me is an institution that helps an individual equip himself/herself with unlimited skills and competencies. I want to keep getting additional National Certificates for I believe these do not only benefit me but can also be shared with my co-teachers in the TVL Department, to our students, to the out-of-school youths and to everyone in our community,” pahayag ni Fernando.

Si Fernando ay nanalong 2nd runner-up sa TESDA Idols Awards 2018, Wage-Employed Category, Region ll (Cagayan Valley).

Comments are closed.