KAI SOTTO LALARO NA SA GILAS

Kai Sotto

LALARO na si Kai Sotto sa Gilas Pilipinas para sa fourth window ng 2023 FIBA Basketball World Cup Asian qualifiers.

“We are glad to have Kai into the Gilas fold and thank him for his proactive response to the call to play for flag and country for the August qualifiers,” wika ni Samahang Basketbol ng Pilipinas executive director and spokesperson Sonny Barrios,, sa isang statement nitong Miyerkoles.

Ang 7-foot-3 cager, na lumagda ng panibagong kontrata sa Adelaide 36ers sa Australia makaraang hindi mapili sa NBA Draft, ay nakatakdang dumating sa bansa sa Agosto 18.

Sasamahan ni Sotto sa Gilas pool sina NBA star Jordan Clarkson, Japan B.League players Thirdy at Kiefer Ravena, Dwight Ramos, at Bobby Ray Parks Jr., kasama sina UP Fighting Maroons standout Carl Tamayo, La Salle’s Kevin Quiambao, at Francis Lopez. Palalakasin din ang pool ng PBA players na pangangalanan matapos ang semifinals ng PBA Philippine Cup.

Sisimulan ng Gilas ang kampanya nito sa FIBA World Cup qualifiers fourth window kontra Lebanon sa Agosto 25 sa Beirut at Saudi Arabia sa Agosto 29 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.