KALUSUGAN, KAGALINGAN NG GOV’T WORKERS IGINIIT

HINIMOK ni Civil Service Commission (CSC) Chairperson Karlo Nograles ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan na magpatupad at isulong ang pagkakaroon ng maayos, malinis at ligtas na working environment kasabay ng pagbibigay halaga sa kalusugan at kagalingan ng kani-kanilang mga opisyal at tauhan.

“A healthy public sector workforce is a productive workforce. We count on our civil servants to run the day-to-day operations of government. Amid the multitude of varying, complex needs of the Filipino people, we need to recognize the importance of employee health and wellness,” pagbibigay-diin ng CSC head.

“Research shows that employees in good health are more likely to deliver optimal performance in the workplace because, not only do they have better quality of life, but they also benefit from having a lower risk of disease, illness, or injury,” dagdag pa ni Nograles.

Ayon sa tagapangulo ng government central human resources agency, ilang polisiya at programa ang nauna na nilang naipatupad na naglalayong matiyak ang heath and welness ng mga kawani ng pamahalaan, na tinawag din niyang mga lingkod-bayani.

“As the central human resource agency of the government, CSC has placed premium on providing safe and healthy working conditions and promoting health practices among the country’s 1.8 million government workforce,” sabi pa ni Nograles.

Kabilang na rito ang Memorandum Circular No. 30 na inisyu noon pang 1994 na nagtatakda ng checklist para sa maayos na working condition, na kinabibilangan ng pagsisigurong may sapat na suplay ng maiinom na tubig at maayos na lighting system sa lahat ng government offices.

Gayundin ang CSC Resolution No. 1901265, na ipinalabas noong October 2019, kung saan ang government agencies ay inaatasang magkaroon ng Mental Health Program (MHP) upang mapalakas ang mental health sa hanay ng kanilang mga kawani, maiwasan ang diskriminasyon at pagpapatupad ng regular na human resource development o HRD program partikular sa ilalim ng Health and Wellness.

Kamakailan ay pinangunahan nina Nograles, DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire at Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma ang ceremonial signing ng Joint Administrative Order (JAO) No. 2023-0001 para sa pagbuo ng National Policy Framework on the Promotion of Healthy Workplace.
ROMER R. BUTUYAN