NAGPASALAMAT ang Philippine Olympic Committee (POC) sa Philippine Sports Commission (PSC) sa pag-apruba sa pagpapalabas ng P3.3 million para sa kampanya ng bansa sa Beijing Winter Olympics.
Pinasalamatan din ni POC President Rep. Abraham “Bambol” Tolentino ang Asics sa patuloy na pagiging Team Philippines official outfitter kapwa sa Summer at Winter Olympics.
Si Filipino-American alpine skier Asa Miller ang nag-iisang kinatawan ng bansa sa Beijing Games na nakatakda sa February 4 hanggang 20. Subalit nag-require ang Beijing organizers ng minimum six-member delegation na sasama kay Miller na sasabak sa men’s slalom at giant slalom.
“The POC expresses its gratitude to PSC and Asics for their valuable support to our participation in the Winter Olympics,” sabi ni Tolentino.
Si Miller ay sasamahan nina Chef de Mission Bones Floro, Philippine Ski and Snowboard Federation President Jim Palomar Apelar, COVID-19 liaison officer Nikki Cheng, athlete and administrative officer Dave Carter, athlete welfare officer Jobert Yu at ang coach ni Asa na si Will Gregorak.
“We are very grateful for the generous support of the POC and PSC inspite of this very difficult time,” sabi ni Floro.
“It is our hope that our continuous participation in sporting events bring some hope and national pride to our countrymen.”
Si Floro ay lilipad sa Beijing sa January 27 habang ang iba pa sa delegasyon ay susunod sa January 28. Inaasahang babalik sila sa February 18.
Ang slalom races ay nakatakda sa February 13 hanggang 16 sa Xiaohaituo Alpine Skiing Field sa Yanqing, China.