KAMPO NG TERORISTANG BIFF NAKUBKOB

terorista

MAGUINDANAO – NAKUBKOB ng tropa ng 33rd Infantry Battalion sa ilalim ng 6th Infantry Division ang abandonadong kampo ng teroristang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa isinagawang military ope­rations sa liblib na bahagi ng Barangay Saniag sa bayan ng Ampatuan sa lalawigang ito noong Linggo ng umaga.

Sa ulat na nakarating kay Joint Task Force Central at 6th ID commander Maj. Gen. Juvymax Uy, sinusuyod ng militar ang liblib na bahagi ng barangay nang matalisod at madiskubre ang tagong kampo ng terorista na may nakaimbak na ilang anti-personnel landmines (IED).

Ayon kay Division Public Affairs Office Chief Lt. Col. Dingdong Atilano, kung hindi nadiskubre ang kampo ay posibleng gamitin ang mga pampasabog sa ibat ibang lugar sa Maguindanao.

Base sa tala ng military, may nadiskubre ring pampasabog sa pantalan ng Jolo, Sulu at iba pang bahagi ng Mindanao kung kaya’t mas pinaigting pa ang operasyon laban sa grupo ng teroristang BIFF at Dawlah Islamiya na nagtatanim ng mga pamapasabog sa Maguindanao. MHAR BASCO

Comments are closed.