NAPANTAYAN ni Georges Niang ang kanyang career-high na may 24 points, at nagdagdag sina Jordan Clarkson ng 21 at Bojan Bogdanovic ng 20 points nang pabagsakin ng Utah Jazz ang Houston Rockets, 124-116, noong Sabado ng gabi sa Salt Lake City.
Ito ang ika-5 sunod na panalo ng Utah, na patuloy na naglalaro na wala sina injured All-Star guards Donovan Mitchell at Mike Conley.
Ang Utah (50-18) ang unang koponan sa NBA na sumampa sa 50-win mark at pinalobo rin ang kanilang kalamangan pa-ra sa No. 1 seed sa playoffs laban sa walang larong Phoenix (48-19) sa 1 1/2 games.
Tumipa sina Kenyon Martin Jr. at Khyri Thomas ng tig-27 points para sa Rockets (16-52), na nalasap ang ika-5 sunod na pagkabigo.
Nagdagdag si Rudy Gobert ng 13 points, 14 rebounds at 3 shots; nagtala si Joe Ingles ng 14 points, 7 assists at 6 re-bounds; at nag-ambag si Royce O’Neale ng 13 points.
NETS 125,
NUGGETS 119
Nagbuhos si Kevin Durant ng 33 points at 11 rebounds at kumamada si Kyrie Irving ng 31 points upang pangunahan ang bisitang Brooklyn Nets sa 125-119 panalo kontra Denver Nuggets.
Umiskor si Blake Griffin ng 20 points at kumabig si Jeff Green ng 15 para sa Brooklyn (44-24) na pinutol ang four-game skid.
Tumirada si Nikola Jokic ng 29 points, gumawa si Michael Porter Jr. ng 28, napantayan ni Facu Campazzo ang kanyang career high na may 19 points, umiskor si Markus Howard ng 13 at nagdagdag si Austin Rivers ng 12 para sa Nuggets.
Naglaro ang Denver na wala si Aaron Gordon dahil sa calf tightness.
Sa iba pang laro, nagpasabog si Stephen Curry ng 49 points upang pangunahan ang Golden State Warriors sa 136-97 blowout win laban sa Oklahoma City Thunder.
Gumawa si Damian Lillard ng 30 points sa tatlong quarters at nagdagdag si CJ McCollum ng 27 nang rumolyo ang Portland Trail Blazers sa 124-102 panalo kontra bisitang San Antonio Spurs.
Bumanat si Joel Embiid ng 29 points sa 11-of-13 shooting upang igiya ang host Philadelphia 76ers sa kanilang season-best eighth consecutive victory, 118-104, laban sa Detroit Pistons.
Naitala ni Russell Westbrook ang 181st triple-double ng kanyang career, napantayan ang all-time NBA record ni Oscar Robertson at naipasok ang game-winning free throws, may isang segundo ang nalalabi sa overtime, upang pagbidahan ang Washington Wizards sa 133-132 panalo kontra Indiana Pacers.
717655 627517Hello! I basically would like to give a huge thumbs up for the excellent info youve here on this post. I may possibly be coming back to your weblog for a lot more soon. 646214
176396 451542Just wanna comment that you have a really nice internet site, I the style and design it truly stands out. 24912
82008 741400As I web-site possessor I believe the content material matter here is rattling fantastic , appreciate it for your efforts. You need to maintain it up forever! Very best of luck. 25690
212066 420021Enjoyed reading this, extremely very good stuff, appreciate it. 421415
814033 423669A thoughtful insight and suggestions I will use on my weblog. Youve clearly spent lots of time on this. Thank you! 890045