PORMAL nang binuksan last June 16 ni Bea Binene ang stall ng kanyang Mix and Brew Coffee sa SM Megamall Foodcourt.
Inihayag ni Bea na hindi ganoon kadali ang magtayo ng coffee shop pero sa suporta ng kanyang Mommy Carina at ilang kaibigan ay naisakatuparan niya ito. Sa Instagram ng Kapuso actress-TV host Binene ay mababasa kung ano ang pinagdaanan niya para ma-fullfill ‘yung dream niyang maging isang entrepreneur.
“The journey of setting up a business like this is not a joke, I want to be super hands-on and do everything, maybe that’s why I’m this stressed. It was physically, financially, mentally, spiritually and emotionally exhausting,” sabi ni Bea.
She adds that although creating the finished product is done, the real challenge is staying in the game, fulfilling what our customers want, the challenge of managing the business properly, mag-uumpisa pa lang.
“It was hard and I know it will not get any easier,” she narrated.
MALAWAK NA ANG VIEWERSHIP NG WORLD-CLASS KABABAYAN NI MARISSA DEL MAR SA GMA NEWS TV
FORTE ng former actress and now TV host ang public service show at tumagal ng mahabang taon sa ere ang kanyang “Up Close And Personal” sa IBC13 na sinuportahan ng malalaking advertisers. Tumanggap ng ilang awards si Marissa para sa show niyang ito at napatunayan niyang mahusay siyang TV host. After ng Up Close and Personal sunod-sunod ang produced na public service programs ni Ms. Marissa na Iyo ang Katarungan, Buhay OFW at ngayon, ang malapit nang mapanood sa
GMA News TV na “World-Class Kababayan.”
“We would like to show the world na ang mga Pinoy are bringing pride to our country. World-class kababayan sila. They’re so very successful, patient hardworking, strong-willed. Sila ‘yung mga determined na maging successful para sa family nila. Sabi nila, we are the bagong bayani, kami ang mga modern heroes, but they’re not treated well and that’s the reason why we launched the Anti-Trafficking OFW movement with President Rodrigo Duterte and the biggest organizations of the land, para tumulong sa ating anti-trafficking advocacy.
“World Class Kababayan will be the medium para malaman ng ating mga kababayan na marami ang mga nagmamahal sa kanila, na nandito lang ang World Class Kababayan para umagapay sa kanila at puwede nila kaming takbuhan.
“We are connecting with different government agencies like DILG and DOLE para mas mabilis kaming makatulong sa ating mga kababayan,” paliwanag ni Marissa tungkol sa bagong programa niya sa GMA News TV.
Taong 1988 nang talikuran ni Marissa ang showbiz dahil nagbuntis siya sa kanyang panganay na anak, pero walang pagsisisi ang dating aktres na may fulfillment na nararamdaman dahil sa maraming Filipinong natutulungan ng mga programa niya.
“God is good, God is so great. With all the trials, masasabi ko pa rin na blessed pa rin tayo and I’d love to do things for our kababayans,” ang pahayag ni Marissa.
Postscript: Noong May 1, 2019 ang taping ng pilot episode ng World Class Kababayan at sina Diana Zubiri, Rayver Cruz at ang international fashion designer na si Rocky Gathercole ang mga special guest ni Marissa. Ngayong nasa GMA News TV na ang nasabing TV host-businesswoman ay mas lalong magiging malawak ang viewership niya.