MAY dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo simula ngayong Martes matapos ang dalawang magkasunod na linggong rolbak.
Sa magkakahiwalay na abiso, sinabi ng Cleanfuel, Petro Gazz, Seaoil Philippines Corp., at Shell Pilipinas Corp. na tataas ang presyo ng kada litro ng gasolina ng P1.10, at diesel ng P0.20.
Walang magiging paggalaw sa presyo ng kerosene.
Epektibo ang price hike sa alas-6 ng umaga para sa lahat ng kompanya maliban sa Cleanfuel na magtataas ng presyo sa alas-4:01 ng hapon sa parehong araw.
Noong nakaraang Martes, September 17, ang presyo ng gasolina ay bumaba ng P1.00, diesel ng P1.30, at kerosene ng P1.65.
Ngayong taon, ang presyo ng gasolina at diesel ay tumaas na ng P4.85 kada litro at P1.75 kada litro, ayon sa pagkakasunod.
Ang presyo ng kerosene ay nagtala naman ng total net decrease na P6.35 kada litro.
LIZA SORIANO