(Kasado na ngayong Martes) ROLLBACK SA DIESEL; PRICE HIKE SA GASOLINA

petrolyo

MAY dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo simula ngayong Martes.

Sa abiso ng Pilipinas Shell Petroleum Corp., ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tataas ng P0.30 at kerosene ng P0.20.

Bababa naman ang presyo ng diesel ng P0.30 kada litro.

Magpapatupad ang Cleanfuel ng kaparehong adjustments maliban sa kerosene na wala sila.

Epektibo ang dagdag-bawas sa alas-6 ng umaga para sa lahat ng kompanya maliban sa Cleanfuel na mag-a-adjust ng presyo sa sa alas-12:01 ng umaga sa kaparehong araw.

Noong nakaraang Martes, Nobyembre 28, ang presyo ng kada litro ng diesel ay tumaas ng P0.30 at kerosene ng P0.65. Hindi naman gumalaw ang presyo ng gasolina.

Sa datos  ng DOE, hanggang Nobyembre 28,  ang presyo ng gasolina ay tumaas na ng P12.30 kada litro, diesel ng P6.00 at  kerosene ng P1.74 kada litro.

LIZA SORIANO