KASANAYAN MULA  SA TESDA, NAGING KALAMANGAN NG ISANG OFW

NAGING puntos para  sa isang overseas Filipino  worker (OFW) ang kanyang kasa­nayang  natutunan sa pagkuha ng technical-vocational (tech-voc) course na Shielded Metal Arc Welding (SMAW) NC l para sa kanyang trabaho bilang  welder ngayon  sa bansang Qatar.

Rogelio Castel Namalata
Rogelio ‘Dodoy’ Castel Namalata

Si Rogelio ‘Dodoy’  Castel Namalata, taga-Masbate ay nagsimula bilang freelance welder sa loob ng limang taon.  Sa ka-gustuhang  kumita ng mas malaki at mapaunlad pa ang kanyang skills, naisip nito na kumuha ng complimentary technical education.  Siya ay naging scholar sa Shielded Metal Arc Welding (SMAW) NC l sa Bicol Regional Training Center at nagtapos bilang certified worker noong 2007. Nang itayo ang Ticao Manpower Training Center noong 2009, nag-apply siya bilang trainer sa SMAW.  Nagtrabaho  siya rito sa loob ng isang taon bago ito nagdesisyon na magtrabaho sa abroad.

Si Rogelio  ay na-hire sa  Auxilia, Inc. bilang isang welder sa Qatar noong October 2009.  Ang kanyang natutunan  sa TESDA ay naging malaking puntos para sa kanya.  Madalas siyang  napupuri ng kanyang employer sa maayos na   trabaho   at  magandang pag-uugali. “Ang aking karanasan bilang isang trainer ay nakatulong din sa akin upang madali at epektibo akong nakaka-adjust sa aking mga bagong trabaho.”  Being TESDA alumnus, is a big advantage to me.”

Tuwing magbakasyon siya sa bansa, hinihikayat ni Rogelio  ang kanyang mga kababayan, na kumuha ng technical-vocational education and training (TVET) courses, upang magkaroon sila ng karampatang skills para makasama niya sa pagtatrabaho sa abroad.  Siya ay nakapag-recruit ng dalawang manggagawa na ngayon ay nagtatrabaho sa Auxilia, Inc. sa Qatar at Saudi Arabia.

Dahil sa kanyang pagiging pursigido, matiyaga, at dedikas­yon sa trabaho ay napag-aral niya sa Bicol University ang kanyang dalawang anak, ang isa ay nakatapos ng kursong Agriculture habang ang isa  ay Edukasyon.

Sa ngayon, plano pa rin ni Rogelio na patuloy na magtrabaho sa abroad hanggang sa kaya pa nito, upang makaipon ng sapat na puhunan,  para sa pa­ngarap nitong  negosyo na welding at machine shop sa Masbate.

Comments are closed.