HINDI lang si Megan Young ang hindi nanonood ng kissing scene ng kanyang boypren na si Mikael Daez kundi pati ang actor ay hindi rin nanonood ng kissing scene ng kanyang girlfriend sa ibang actor.
Inamin kasi ni Megan na hindi niya keri mag-watch ng love scene nina Katrina Halili at Mikael, magkasama silang tatlo sa top-rating afternoon soap ng GMA7, ang “The Stepdaughters”.
Ani pa ni Mikael quits lang daw sila ng gf kasi ganoon din naman siya pagdating kay Megan. At mas maganda na raw ‘yung naging kasunduan nila para hindi nga naman mahaluan ng anuman ang kanilang propesyon sa relasyon sa tunay na buhay. Bukod sa hindi panonood, inamin din ni Mikael na hindi na rin kailangan pa nila ni Megan na magpaalam pa sa mga eksenang may halikan, kasama na talaga rin ‘yun sa trabahong pinasok. Kapansin-pansin din ngayon na nag-level up na sa aktingan si Mikael, halos sumasabay na rin siya sa aktingan sa mga beterano and award winning actors na kasama nila sa “The Stepdaughters”.
BEAUTY GONZALEZ KAPUSO NA
UNANG napanood si Andi Eigenmann sa ‘Celebrity Bluff” ni Eugene Domingo, at agad-agad na kumalat ang espekulasyon na isa nang Kapuso actress si Andi, pero sinagot naman ito ng ina ni Andi na si Jaclyn Jose na guesting lang ang kanyang anak sa naturang celebrity game show. At nitong nakaraang episode ay napanood naman ang masasabing first guesting ni Beauty Gonzalez sa Kapuso Network, sa show pa rin ni Eugene.
Sa naturang show ay winelkam ng host si Beauty, na tila welcome kay Beauty bilang isang Kapuso star. Huling napanood si Beauty sa teleseryeng “Pusong Ligaw” sa ABS-CBN. At tila hindi lang sina Andi at Beauty ang lumipat na sa GMA7, andiyan na rin at parating na sa pintuan ng Kapuso si Rayver Cruz.
Si KC Concepcion kaya kailan makikita sa studio ng GMA7? O ‘di nga ba, naging malakas ang tsikang mag-oober da bakod na rin ang magandang dalaga ni Sharon Cuneta?
MIGUEL TANFELIX SUHOL TO THE MAX KAY BIANCA UMALI
MARAMI ang naghanap kay Miguel Tanfelix bilang date ni Bianca Umali sa isang fashion event, at nadismaya sila nang makitang mag-isa dumalo ang Kapuso actress. Lumutang ang ganda ni Bianca dahil sa kanyang simple yet sophisticated aura at maraming nanghinayang na hindi ito nasaksihan ni Miguel noong gabing iyon.
Pero, mukhang mabilis nakabawi si Miguel dahil sinorpresa niya si Bianca ng stuffed toy at mini date. Sa mga ipinost nilang dalawa sa Instagram, mukhang nagkaroon naman sila ng oras na makapag-bonding. Sa pagiging busy nila sa taping ng “Kambal, Karibal”, minsan na lang sila makapuslit ng leisure time, kaya habang may pagkakataon ay sinusunggaban agad nila.
Happy na si Bianca sa simpleng hang out kay Miguel, at feeling namin ay ito ang dahilan kung bakit matibay ang kanilang samahan. Excited na ang fans na maisakatuparan ang Japan trip dahil siguradong mag-eenjoy ang dalawang Kapuso stars sa travel nilang iyon.
Comments are closed.