GOOD day, mga kapasada! Ingat lang po. Kahit dalawang beses na tayong nabakunahan, huwag pa rin nating kalilimutan ang health protocols na ipinaiiral ng Inter-Agency Task Force (IATF) para makaiwas sa COVID-19. Sa isyu pong ito ng ating Patnubay ng Drayber ay samu’t saring paksa ang ating tatalakayin. Bukod sa iba’t ibang problema sa pagmamantine ng sasakyan, tumatalakay na rin tayo ng mga sariwang balitang nagaganap sa araw-araw basta may kinalaman sa transportasyon, sige lang po tayo.
Sa kasalukuyan po, may isang panukalang batas, SB 2094, ang nagdulot ng sobrang apprehension sa iba’t ibang grupo sa industriya ng sasakyan sa paniniwalang oras na mapagtibay ito ay magdudulot ito ng katakot-takot na red tape na makapupusyaw sa makina na pinagkukunan ng ikabubuhay ng mga nasa industriya ng sasakayan. Ito, mga kapasada, ang dapat ninyong bigyang pansin para sa kabutihan ng ating hanapbuhay lalo na sa panahong ito na tayo ay nasasadlak sa pagdurusa dulot ng mapaminsalang corona-virus disease.
Sa pahayag kamakailan ng commuter at transport advocate na si Atty. Ariel Inton, ang founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP), at mga kaalyadong grupo sa buong bansa, oras na mapagtibay ang Senate Bill 2064, ay magkakaroon ng malawakang red tape na ang kahahantungan ay ang kapariwaraan ng mga nasa industriya — ang mga pobreng operator at drayber na magiging benepisyaro ng naturang panukalang batas. Sa isang panayam, ipinaliwanag ni Atty. Inton na hindi kasama sa tadhanain ng panukalang batas ang public transport bilang nasa uring public utility.
Sa paglilinaw ni Inton sa mga kabagang na grupo sa transport industry, ito ay magdudulot ng malaking problema sa oras na maisabatas.Inisa-isa ni Inton ang problema na maaaring pagdusahan ng mga nasa industriya ng public transport na kung gustong mag-venture sa transport industry, dadaan ka sa makipot na daan, ala e, sa butas ng karayom dahil nakatadhana sa panukalang batas na ang “National Economic and Development Authority (NEDA) sa pamamagitan ng kanyang board, sapakikipagkonsultasyon sa Philippine Competition Commission (POCC) at sa concerned agencies may recommend to Congress the classification of public utili-ty on the bases of the following criteria.”
Ang pahayag ni Inton ay nangangahulugan sa pang-unawa ng mga kaalyado nito sa transportasyon na bago makasa ang public transport bilang public utility ay iyan ang proseso at may criteria pa. Sa ngayon pa nga lamang, ayon kay Inton, ay yaong kumukuha ng prangkisa ay labis nang namomroblema lalo na kung ito ay idadaan pa sa napakaraming ahensiya kung dapat ba na ang public utility ay mabilang sa uri ng transport.
Samantala, buong linaw na inihayag ni Inton na ang LCSP at mga kaalyadong transport at commuter groups ay hindi sang-ayon sa panukalang batas at naniniwalang kapag ito ay napagtibay at naging batas, ang daranas ng kalbaryo ay ang mga ordinaryong drayber, mga operator at maging ang iba pang ang ikinabubuhay ay trucks, UV Express at vans.
MC DOMINANTENG SASAKYAN MAY KAAKIBAT NA DANGER SA KALIGTASAN
On any given day, millions of 2-wheeled machine ang rumaragasa sa mga pangunahing lansangan sa Kalakhang Maynila at sa iba pang bahagi ng kapuluan. Karaniwang eksena sa mga lansangan na hindi makakawala sa mga mapagmasid na commuter ang mga tinatawag na “squeezing behind cars and buses (dubbed “cages” by motorcycle drivers) na gustong makauna sa stoplight (beating the red light).
Ayon sa LTO, mahigit sa kalahati ng 6.1 million registered vehicle sa Pilipinas noong year 2009, 3.2 milyon dito ay motorcycles, scooters o tricycle. Ang masaklap, ayon sa LTO, lubhang nakababahala ang kaliwa’t kanang nagaganap na aksidente halos araw-araw sa mga pangunahing lansangan hindi lamang sa metropolis kundi saan mang dako sa Pilipinas.
MOTORCYCLE PINAKAPOPULAR SA REHIYON
Ang motorsiklo, ayon sa Gloal Road Safety Partnership (GRSP), ay lubhang naging popular sa rehiyon dahil matipid sa gastos at sa kakayahan nito na maihatid sa paroroonan ang mga may-ari sa matipid na panahon, idagdag pa rito ang pagiging exempted sa maraming ipinagbabawal ng MMDA sa ibang uri ng sasakyan tulad ng color coding scheme.
Ayon kay Dr. Romulo Virola, secretary general ng National Stastistical Coordination Board (NSCB), noong mga nakaraang taon, ang karamihan sa motorsiklo at tricycles ay nakarehistro saNational Capital Region (NCR), Region IV, Region III at Region VI.
MOTORSIKLO AFFORDABLE SA KARANIWANG MAMAMAYAN
Ayon sa mga analyst, habang ang basic car models ay nagkakahalaga ng daan-daang libongpiso, ang isang cub-type 100 cc Japanese motorbike na kawangis ng naunang sinasabing world’s greatest motorcycle model sa kasaysayan ay nagkakahalaga lamang ng affordable price sa mga karaniwang mamamayan kung babayaran ng cash at sa maliit na affordable downpayment at buwanang hulog ay kaya ng isang karaniwang mamamayan na may hanapbuhay.
LAGING TATANDAAN: UMIWAS SA AKSIDENTE UPANG BUHAY AY BUMUTI. HAPPY MOTORING!
I just changed to Femara due to slight progression clomid donde puedo comprar
Other researchers, however, such as Goverde et al lasix side effects Dhesi s fertility clinic email address to communicate with her more easily while I was doing treatments there
276148 692056I just added this webpage to my feed reader, excellent stuff. Cannot get enough! 692440
buy generic cialis online cheap We thank the patients who participated in the SoFEA and PALOMA3 studies, along with the investigators, study nurses, and site staff who supported the trial and collected plasma samples
44875 866234Most beneficial gentleman speeches and toasts are made to enliven supply accolade up to the wedding couple. Newbie audio system the attention of loud crowds really should always consider typically the fantastic norm off presentation, which is their private. very best man speaches 113349
571865 591282I truly prize your function , Wonderful post. 269534