KATRINA HALILI AYAW NANG MAKIPAGBALIKAN KAY KRIS LAWRENCE

katrina halili

LUBOS kung magmahal si Katrina Halili pero kapag natapos na siya sa isang relasyon, hindi na niya ito The pointbinabalikan.

Katunayan, noong maghiwalay sila ng ex niyang si Kris Lawrence na ama ng kanilang five-year old daughter na si Katie, hindi na siya nakipagbalikan pa.

Ilang beses din siyang sinuyo ni Kris para ma­kipag-reconcile pero personal decision daw niya ang maghiwalay sila.

“Ganoon naman talaga ako. Kapag wala na, wala na talaga. Mas okey kaming friends,” sambit niya.

Happy rin niyang ibinalita na in good terms na sila ni Kris.

“Ayoko rin namang ipagdamot sa anak ko ang tatay niya. ‘Pag may free time, pumupunta siya three times a week sa bahay lalo na kung busy ako sa taping ko. Siya iyong tumitingin kay Katie,” aniya.

Hirit pa niya, naiintindihan din daw ni Katie ang kanilang set-up ni Kris.

“Matalinong bata si Katie. Bata pa lang, alam na niya ang set up namin ni Kris. Kung bakit kami hindi magkasama,” ani Katrina.

Nilinaw din ni Katrina ang balitang hindi nagsusustento si Kris sa kanilang anak.

“Nagsusustento naman. Dati kasi, may miscommunication kami, so hindi siya pumupunta. So, noong dumating ang Mama niya, nag-usap kami,” esplika niya.

Si Katrina ay nasa cast ng pelikulang “Kontradiksyon” kung saan kasama niya sina Jake Cuenca, Kris Bernal, Paolo Paraiso at John Estrada.

Huling napanood si Katrina sa Kapuso teleseryeng “The Stepdaughters” kasama si Megan Young. Nagkaroon din siya ng guest appearance sa “Pamilya Roces”.

CRIS VILLONCO DIRECTOR NA

FIRST time na sumabak sa pagdidirehe sa teatro ang magaling na singer-actress na si Cris Villonco.CRIS VILLONCO

First directorial job niya sa teatro ang “A Doll’s House, Part 2 ” na iprinudyus ng Red Turnip Theater at ipalalabas sa susunod na taon.

Happy si Cris sa kanyang married life sa piling ng kanyang non-showbiz husband na si Paolo Villarama na isang businessman.

Gayunpaman, inamin niya noong una na hindi pa siya handa sa pagpapakasal dito.

“I did not know I was ready for marriage. I think, the whole concept of kasal , the wedding itself should take time, a lot of time. Kasi, I had a short time and I only dated my husband for 10 months and then he proposed and then I didn’t have the time to get to know him as much I would have wanted to. So, all of a sudden, the wedding preparations. All of a sudden, getting to know the parents even more. All of a sudden, being thrown into the situation,” aniya.

Gayunpaman, wala raw naman siyang naging regrets sa pagpapakasal sa kanyang mister na si Paolo Villarama na isang businessman.

“I wasn’t ready, but it will make you ready. It will push you to the limit. That’s when you know you’re ready to make full commitment if you want to be with this person,” paliwanag niya.

Ang mga magagandang katangian daw ng kanyang asawa ang nag-udyok sa kanya para pakasalan si Paolo.

“What made me say yes? He’s a good man and he gave me the world. Kaya, even if I’m not ready, I said yes,” hirit niya.