PAPAGANDA nang papaganda ang mga kaganapan sa afternoon soap na Prima Donnas.
Hayan at nalalapit na ang pagkatuklas ng character ni Katrina Halili (Lillian) sa kapalaran nang dalawa niyang anak na sina Donna Belle (Althea Ablan) at Donna Lyn (Sofia Pablo) na nagsulat sa isang maliit na papel tungkol sa kanilang kalagayan sa pabrika ng mga tela.
Patuloy pa rin ang pagiging impakta ng character ni Elijah Alejo (Brianna) pero hindi naman nagpapaduro sa kanya ang character ni Jillian Ward (Donna Marie).
On the other hand, hindi naman tumitigil ang character ni Aiko Melendez (Kendra) na mahulog sa kanyang mga kamay si Jaime Claveria (Wendell Ramos).
Nakatutuwang hindi nagpapatalo sa kanyang kapalaran si Donna Marie (Jillian Ward) at nagpipilit siyang patuloy na mag-aral.
Pinakaaabangan ang reunion ng mag-iina at palagay nami’y malapit na itong mangyari.
Happy rin nga pala ang mga tagasubaybay ni Katrina dahil ang ganda ng role niya sa soap na Prima Donnas.
Unlike before na kontrabida siya, this time, bidang-bida ang kanyang role and surprisingly, she is able to do justice to it.
BIDAMAN FINALIST YUKI SAKAMOTO HANDANG MAG-FRONTAL NUDITY
YUKI Sakamoto, a Bidaman finalist, is all set to do a movie with Viva artists Cindy Miranda and Phoebe Walker.
Is he willing to bare just like Marco Gumabao in Just A Stranger?
Kung bibigyan raw siya ng magandang project ni Boss Vic del Rosario na kailangang magpakita ng flesh, he is more than confident.
Wala raw siyang limit sa kanyang ipakikita. Lalaki raw naman siya at walang mawawala kaya wala raw siyang insecurities.
Is he willing to go frontal?
“I mean, depende po sa scene kung ikagaganda talaga,” he said visibly determined. “Like, kung kailangang mag-frontal, why not?
“Sige subukan natin, wala namang mawawala.”
Apart from that, he’s got no qualms in doing love scene with another male.
“Depende po talaga sa scene,” he said. “Pag maganda po talaga, hindi naman po ako picky or… kasi baguhan pa lang po ako, nag-e-explore po talaga ako ng roles so kung may ganung eksena na ibibigay sa akin, okay naman po ako dun.”
The press had a grand time talking to Yuki at the relaunching of his digital album with Yin Valero fittingly billed Yin & Yuki.
Anyway, mga nagsasabi raw na siya ang dapat nanalo sa “Bidaman,” ang artista search ng ABS-CBN noontime show na It’s Showtime.
Common knowledge naman ang winner ay si Jin Macapagal from Cebu. Nagpapasalamat raw siya sa mga nag-comment pero hindi raw natin hawak ang mga pangyayari.
Actually, when he was chosen as one of the top six, he was tremendously happy. Right now, he’s co-managed by Mercator Artist & Model Management and Viva Entertainment. Hindi raw siya nakakontrata sa ABS-CBN.
Pero hindi ba supposedly, ang finalists ng “Bidaman” ay automatic na contract artists ng Kapamilya Network?
“Wala po silang nagawa, e kasi dalawa na po ang… every time siguro na may work thru It’s Showtime, idadaan po muna nila sa Mercator.”
Could he come out in the competing network GMA-7?
“Nasa contract po ng It’s Showtime, after one year pa po ako puwedeng lumipat ng ibang channel.”
Nakapag-guest na siya rati sa GMA-7 pero mas marami siyang naging stint sa ABS-CBN tulad ng La Luna Sangre.
Willing rin siyang ipaputol ang mahaba niyang buhok kapag may role na kailangang maigsi ito.
Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
Comments are closed.