KC HAPPY NA FRIENDS NA SINA SHAWIE AT GABBY

Sobrang saya ni actress and businesswoman KC Concepcion na friends na ngayon ang kanyang ama at inang sina Megastar Sharon Cuneta at veteran actor Gabby Concepcion.

Mega successful daw kasi ang pinagsamahan ng dalawang “Dear Heart” concert at baka dalhin pa ito sa United States.

“Iba ang feeling kapag magkasundo ang mga parents mo. I love my mom and I love my dad. I love my family,” ani KC

Happy raw siya na magkasama na uli silang nagtatrabaho, at makikita mo ang friendship at forgiveness.

“‘Di porke’t naghiwalay, ibig sabihin, kailangan magka-away,” sabi pa niya.

Mahal daw ni KC ang kanyang blended family at close siya sa mga kapatid lalo na sa kanyang paternal younger sister na si Samantha.

Lagi raw natutulog sa bahay niya si Samantha at super close sila.

Pinatunayan naman ito ni Samantha at very hands-on at maalaga raw sa kanya ang kanyang ate.

“She is always looking after me,” ani Samantha. “Always giving the best advice. I love spending time with her.”

Ayon naman kay KC, tutok siya ngayon sa kanyang mental health ar overall well-being.

“I have been working out everyday. Nag-pilates ako, yoga. I just want to have good energy sa buhay ko,” dagdag pa niya.

Pero gusto raw sana niyang lumabas uli sa mga teleserye. Hindi raw niya magawang iwan ang buhay artista. Syem­pre naman! Lumaki siya sa limelight. Ikaw na ang maging anak nina Shawie at Gabby!

“It is always in my heart,” aniya. “Artista for life.”

RLVN