CALOOCAN CITY – NASAKOTE ang isang construction worker at isang bebot na umano’y kapwa sangkot sa ilegal na droga sa ikinasang buy bust operation of firearms ammunition sa lungsod na ito kamakalawa ng gabi.
Ayon kay NPD District Special Operation Unit (DSOU) PLT Melito Pabon, alas-11 ng gabi nang ikasa ng mga operatiba ng DSOU, kasama ang Caloocan Police sa ilalim ng pamumuno ni P/ Col. Restituto Arcangel ang buy bust operation of firearms ammunition sa pangunguna ni PSSGT Dexter Magno kontra kay Alfredo Cruz alyas “Andrew”, 39, sa 2nd St. 3rd Ave. Brgy. 118.
Matapos iabot ni Cruz ang anim na bala ng 12 gauge shotgun sa isang undercover police poseur-buyer kapalit ng P200 marked money at itong sinunggaban ng mga operatiba habang dinakip din si Mendy De Jesus, 32, matapos pakitaan at alukin ng shabu ang pulis.
Nang kapkapan, nakumpiska kay Cruz ang isang plastic sachet ng shabu at buy bust money habang narekober naman kay De Jesus ang tatlong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu. EVELYN GARCIA
Comments are closed.