KELOT DAKMA NG BOC SA IPUPUSLIT NA KUSH MJ

Marijuana kush

NAARESTO ang isang lalaki sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa pakikipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement  Agency (PDEA) habang kumukuha ng kanyang package na naglalaman ng Kush Marijuana.

Kinilala ang suspek na si Joseph Mark Tamo at naninirahan sa Taguig City.

Naaresto ang suspek sa loob ng Central Mall Exchange center (CMEC) habang kini-claim ang kanyang kargamento.

Nabatid na marijuana mula sa California USA na nasa P1.8 mil­yon ang halaga.

Ipinadala ng isang nagngangalang James Barstow ng No. 4318 Pleasant Hill Road, Kelso,WA98628 Uni­ted States of America.

Ayon sa pahayag ni Customs district collector Mimel Talusan, nasa loob ng package ang tatlong piraso ng vacuum-sealed plastic pouch of ­marijuana kush. FROILAN MORALLOS