SABIK na si NLEX guard Kiefer Ravena sa pagsabak ng Gilas Pilipinas sa nalalapit na FIBA Olympic Qualifying Tournament.
Inanunsiyo ng FIBA noong Biyernes na papalitan ng Filipinas ang New Zealand sa qualifiers na nakatakda sa June 29 -July 4 sa Belgrade, Serbia.
Umatras ang New Zealand sa event para magpokus sa darating na FIBA Asia Cup at FIBA World Cup.
“It’s going to be worth it,” wika ni Ravena bilang reaksiyon sa anunsiyo ng FIBA.
“But again, you have to be real, with how the other countries are playing,” dagdag pa niya.
Ang Filipinas ay nasa Group A kasama ang Serbia at ang Dominican Republic.
Aniya, kailangan ang matinding paghahanda para manalo laban sa naturang mga koponan.
Nasa Group B naman ang Puerto Rico, Italy at Senegal. Ang magwawagi sa OQT ang makakakuha ng ticket para sa Tokyo Olympics.
Umaasa si Ravena, naglaro para sa Gilas Pilipinas sa 2019 FIBA Basketball World Cup, na masimulan na agad ang paghahanda para sa OQT.
“Kung sino man ipapatawag, I think it’s better to start as soon as possible,” ani Ravena. CLYDE MARIANO
170352 831179Thank you for every other fantastic article. 770506