KIM CHIU TINAMBANGAN

KIM CHIU

TRENDING nga­yon  ang naganap na pamamaril sa van ni Kim Chiu ng mga hindi The pointpa nakikilang suspects habang patungo ang Kapamilya actress sa taping ng kanyang teleserye.

Ayon sa Chinita Princess, sobrang shocked pa siya sa mga pangyayari.

Nangyayari ang pamamaril ng unidentified gunmen sa panulukan ang Katipunan Avenue at C. P. Garcia Avenue sa Quezon City.

Sey niya: “A lot of you have been texting and calling. can’t answer right now. Thank you for checking on me. It means a lot. Yes, I am safe po. I’m ok and my P.A. and my driver as well. Papa Jesus protected us. I don’t have an idea what really happened, mistaken identity? I guess?? Napagtripan?.. This is a bad joke. At 6AM, I was on my way to taping, I was asleep inside my car then I heard several gunshots, 8 to be exact. I was shocked and ask my driver what happened, then I saw this bullet on the windshield “buti nakahiga ako.” Pano kung tinuloy ko magbasa ng script?… I was so scared, I don’t know what to feel right now. Wala naman akong kaaway or ka-atraso. Why me?.

Nagpapasalamat naman si Kim na walang nangyari sa kanya at sa kanyang driver.

Gayunpaman, wala raw siyang ideya kung sino ang mga salarin na nagpaputok sa kanilang sasakyan

“Kung sino man ang gumawa nito Diyos na ang bahala sa inyong dalawa. Sana, tininignan n’yo muna ang plate number bago n’yo paulanan ng bala ‘yung kotse ko but at the end of the day, inisip ko na lang walang nasaktan sa amin. God protected us. Salamat po,” pagtatapos niya.

Si Kim ay bida sa Kapamilya teleseryeng “Love Thy Woman” kung saan kapareha niya ang nobyo niyang  si Xian Lim.

Comments are closed.