NAGMAHAL, nasaktan, nagpaganda. Iyan ang peg ngayon ng sexy Kapuso actress na si Kim Domingo. Sa mga posts niya sa kanyang social media account ay maraming napa-wow sa bagong looks ni Kim. Mas sexy at mas gumanda. Marami tuloy ang nagsasabing isa kaya ito sa paraan ni Kim para makapagmove-on sa hiwalayan blues nila ng dating ka-live in partner na si Mike Acuña.
Lalong kinagulat ng karamihan ng dumating sa presscon ng kanyang bagong teleserye na “Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko” si Kim, sporting a bob cut hair, shoulder level style. Bagay na bagay kay Kim ang bagong hair style niya.
Pero say ng sexy actress, wig lang ang kanyang suot at nag-try lang daw siya na mag-short hair look. Hindi raw puwede siyang magpagupit ngayon ng buhok dahilan sa mga continuity scene niya as bagong teleserye na ginagawa, pero pagkatapos daw nito ay magpapaputol na siya ng buhok.
Inamin kasi ni Kim na isa sa gusto niyang makita sa sarili ay ang pagdadala ng maikling buhok. Pagdating naman kaya sa pagpapa-sexy, na minsan nang iniwasan na gawin ni Kim dahil na rin sa pagmamahal sa dating boypren, may chance na kaya na magpa-sexy na muli si Kim ngayong wala na siyang ‘pinangingilagang’ lovelife?
Ani ng actress, depende na raw ito sa project. At nang matanong kung may bago na siyang inspirasyon, say ni Kim, sa ngayon ay wala raw ito sa focus niya, gusto na muna niyang mag-concentrate sa kanyang showbiz career, as in love can wait na muna ang drama ni Kim.
MEGAN YOUNG INAMING TAKOT GUMAWA NG HORROR FILM, PANAY ANG DASAL
PALABAN kung palaban si Megan Young pero pagdating pala sa horror flick ay hindi ito keri ng dating Miss World. At nang i-alok kay Megan na makasama sa kauna-unahang horror flick sa panghapon na oras ng GMA-7, ay hindi na nagdalawang isip pa si Megan.
Say ni Megan, mahina siya pagdating sa mga katatakutang pelikula pero dahil feeling ni Megan, isang malaking hamon sa kanya bilang isang aktres ang lumabas sa ganitong uri ng teleserye ay lakas-loob niyang tinanggap ang offer, as in challenge accepted.
Role na misis ni Rayver Cruz ang kanyang ginampanan sa “Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko”, at dahil si Megan ang pinakasalan ni Rayver, dinibdib ito ng husto ni Kris Bernal na gumanap na obsessed sa pagmamahal ni Rayver. Kung kaya kahit sa kanyang kamatayan ay hindi niya nilubayan si Megan. Minumulto ni Kris si Megan.
Paano kaya na-take ni Megan mag-taping nang may halong takot sa kanyang dibdib. Say ng actress/beauty queen, lumalakas ang kanyang loob dahilan sa may paranormal expert silang laging kasama sa set at lagi silang nagdarasal bago at matapos ang kanilang taping.
Comments are closed.