Laro ngayon:
AUF Gym
6 p.m. – Ginebra vs TNT
(Game 3, Ginebra abante sa serye, 2-0)
BAGAMA’T 2-0 na sa serye, walang plano si Barangay Ginebra coach Tim Cone na mag-relax at magkumpiyansa dahil nahaharap sila sa isang mabigat na kalaban na may kakayahang baligtarin ang mga pangyayari.
Ang nasa pag-iisip ng Kings ay ang patuloy na lumaban sa kanilang pagsisikap na makalapit sa pagsungkit ng PBA Philippine Cup bubble crown sa pagpapatuloy ng kanilang title showdown sa TNT Tropang Giga sa AUF Gym ngayong araw.
Pinaalalahanan ni Cone ang kanyang tropa na hindi pa tapos ang serye at muntik na silang matalo sa Tropang Giga kapwa sa Game 1 at Game 2.
“I sound like a broken record, but again, we’re thankful for the win (Sunday), but we’re not happy. (RR) Pogoy was just outstanding in the game, and TNT dominated us for most of the game. We were outcoached and outhustled for the most part, but I don’t want to take anything away from our guys who persevered and found a way to win,” sabi ni Cone.
“We know, however, that we have to find the best of ourselves to continue to win games in this series. Otherwise the tide could turn very quickly,” dagdag ni Cone na ang tropa ay nakuha ang 2-0 series lead sa kanilang 100-94 overtime win sa Game 1 at sa 92-90 squeaker sa Game 2.
Nakontrol ng Tropang Giga ang malaking bahagi ng naturang mga laro subalit kinapos sa huli.
Nakatulong sa Kings ang kanilang championship experience at chemistry. Kailangang maitama ng Tropang Giga ang kanilang mga pagkakamali kung nais nilang mapigilan ang Ginebra run.
“Okay naman na sana, but we were outsmarted by them,” sabi ni TNT coach Bong Ravena.
“Andun pa rin naman kami kahit wala siya (Bobby Ray Parks). Lamang na nga kami, eh. Lumalamang na nga kami,” dagdag ni Ravena. “It’s just that we have to finish strong. Bottomline is we have to play smarter than them.”
Sa kabila na nahaharap sa 0-2 deficit ay hindi nawawalan ng pag-asa si Ravena.
“Yun ang kailangang gawin, kailangan malagpasan ‘yung adversity if you want to be great,” aniya.
“Mahaharap mo ‘yan, eh, frustrations, failures. So kailangan laban ka lang sa sarili mo, gawin mo lang lahat nang tama.”
Comments are closed.