Laro bukas:
(Araneta Coliseum)
7 p.m. – Ginebra vs Rain or Shine
MATAAS ang morale at puno ng enerhiya matapos kunin ang Game 1, sisikapin ng Barangay Ginebra na makalapit sa finals sa muling pagharap sa Rain or Shine sa Game 2 ng kanilang semifinals duel sa Philippine Commissioner’s Cup bukas sa Araneta Coliseum.
Sasagupain ng Kings ang Elasto Painters sa alas-7 ng gabi na determinadong duplikahin ang 102-89 panalo kamakalawa kung saan umiskor si dating RoS player Jeff Chan ng 21 points.
Pinapaboran ang Barangay Ginebra na manalo sa serye at inaasahang muling sasamantalahin ni coach Tim Cone ang malaking bentahe para maisubi ang ikalawang panalo at lumapit sa finals.
Inaasahang muling magbibida si Chan sa scoring laban sa kanyang dating koponan na tinulungan niya sa dalawang korona at naging MVP noong panahon ni coach Yeng Guiao.
Bukod kay Chan, nandiyan din sina LA Tenorio, Scottie Thompson, Sol Mercado at Joe Devance na tutulong kay import Justine Brownlee at sa twin towers nina Japeth Aguilar at Greg Slaughter.
Sa import match up, walang duda na lamang si Brownlee kay Reginald Johnson dahil sa kanyang versatility bilang all-around player.
“Brownlee has the edge over Johnson. He can shot, dribble, assist and rebounds,” sabi ni coach Cone.
Sa kabila na tangan ang bentahe ay ayaw magkumpiyansa ni Cone.
“We will play our usual game to ensure victory. I reminded them to play with intensity and determination to ensure victory,” aniya.
Umaasa naman ang kanyang counterpart na si coach Caloy Garcia na makababalik ang Elasto Painters upang itabla ang serye.
“We have to win this game at all cost to stay on track. We made necessary adjustments and toughened our defense,” wika ni Garcia na hanggang ngayon ay bigo pa ring makuha ang mailap na titulo sa PBA.
Aalalay kay Johnson sina Gabe Norwood, Maverick Ahanmisi, James Yap, Chris Tiu, Beau Belga, Jay Washington, Mark Borboran at Ray Mambatac. CLYDE MARIANO
Comments are closed.