(Kinumpirma ng DA-BAI) UNANG KASO NG Q FEVER SA PH

KINUMPIRMA kahapon ng Department of Agriculture-Bureau of Animal Industry (DA-BAI) ang kauna-unahang kaso ng human-transmissible Q fever sa dose-dosenang kambing na inangkat sa United States.

Ayon kay DA Assistant Secretary at spokesperson Arnel de Mesa, mula sa 94 kambing na dumating sa bansa,19 samples ang nagpositibo sa Q fever.

Sinabi ni BAI National Veterinary Quarantine Services Division officer-in-charge chief Christian Daquigan na ang Q fever ay isang laganap na zoonotic disease na sanhi ng bacteria Coxiella burnetii.

“Q fever poses a public health concern as it can be transmitted to humans through contact with infected animals or their excreta and body fluid,” ani Daquigan

Wala pa naman aniyang kumpirmadong human case sa bansa.

Ang sakit sa tao ay maaaring magdulot ng panginginig, lagnat, at pananakit ng muscles, at kapag hindi nagamot ay maaaring mauwi sa kumplikasyon sa atay at puso.

Ayon kay Daquigan, ang lahat ng infected goats, na binili para sa dispersal program para sa mga magsasaka, ay “depopulated na sa secluded farms” sa Pampanga at Marinduque upang matiyak ang kaligtasan ng mga hayop at tao.

Aniya, maging ang mga kambing na hindi pa nasuri ay dinepopulate upang maalis ang anumang posibleng pagmulan ng Q fever infection.

“BAI is taking decisive measures to contain the disease and prevent further spread. Infected goats have been depopulated, and tracing of potentially infected animals is ongoing to prevent the spread of Q fever.”

Nakumpirma ng DA-BAI ang kaso ng Q fever makaraang magsagawa ng PCR o polymerase chain reaction tests sa blood samples mula sa mga pinaghihinalaang kaso, kung saan ang resulta ng confirmatory tests ay inilabas noong Miyerkoles, June 19.

Makaraang matanggap ang impormasyon ng PCR test results, sinabi ng DA-BAI na ipinag-utos ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang agad na condemnation sa lahat ng infected goats at animals na lantad sa infected ruminants, ang pagtunton sa potentially infected animals, at ang temporary ban sa pag-aangkat ng kambing sa US.

Ipinag-utos din ni Tiu Laurel ang preventive suspension ng ilang tauhan ng BAI habang isinasagawa ang imbestigasyon, ang pagrebyu sa quarantine and disease control protocols ng BAI, at ang posibleng pag-blacklist sa importer ng infected goats.

“This is a very serious matter. We will leave no stone unturned to ensure that the health of Filipinos is not compromised. It is imperative that we act immediately and decisively to eradicate this disease that poses serious threats to both animals and humans,” anang Agriculture chief.