KNICKS SINAKMAL NG WOLVES

ISINALPAK ni Karl Anthony-Towns ang go-ahead three-point play, may 29.3 segundo ang nalalabi ilang sandali makaraang gumawa si D’Angelo Russell ng pivotal defensive play at  humabol ang Minnesota Timberwolves para sa 112-110 panalo laban sa  host New York Knicks noong Martes ng gabi.

Nasayang ng Timberwolves ang 12-point lead, nalusutan ang pagka-outscore sa 40-25 sa third quarter at humabol sa five-point deficit sa huling 3:41 nang ma-outscore ang New York, 10-3, sa huling sandali.

Binigyan ni Towns ang Minnesota ng 111-109 kalamangan nang mag-drive kontra Julius Randle at maipasok ang sumunod na foul shot. Ang kanyang clutch hoop ay naganap ilang sandali makaraang maipuwersa ni Russell si R.J. Barrett sa turnover, may 48.2 segundo ang nalalabi.

Nanguna si Anthony Edwards para sa Minnesota na may 21 points habang tumapos si Towns na may 20. Nagdagdag si Russell ng 17 at tumipa si Jaylen Nowell ng 14 para sa Wolves na nanalo sa ika-6 na pagkakataon sa walong laro.

Pinangunahan ni Fournier ang lahat ng scorers na may 27 points at nagtala ng 13 sa flawless third quarter ng New York. Nagdagdag si Randle ng 21 points, 9 assists at 9 rebounds habang naiposte ni Kemba Walker ang 10 sa kanyang 19 sa fourth, kabilang ang tatlong 3-pointers sa loob ng 1:46 na nagbigay sa New York ng 107-102 bentahe, may 3:41 ang nalalabi.

WARRIORS 102, PISTONS 86

Ipinamalas ni Klay Thompson ang kanyang best performance sa kanyang five-game-old season nang magsalpak ng tatlong 3-pointers sa game-high 21 points upang pangunahan ang Golden State Warriors sa 102-86 panalo laban sa Detroit Pistons sa San Francisco.

Nagdagdag si Andrew Wiggins ng 19 points at kumubra si Stephen Curry ng 18. Naglaro si Thompson, galing sa ACL at Achilles injuries, sa loob ng  22 minuto.

Nanguna si Rodney McGruder, naglaro sa unang pagkakataon magmula nang mapawalang-bisa ang kanyang trade sa Denver Nuggets, para sa  Pistons na may season-high 19 points mula sa bench.

Galing sa 1-3 trip, walang sinayang na oras ang Warriors para makabalik sa trangko. Nakakuha ito ng 9 points mula kay Wiggins, 6 kay Curry at 5 kay Thompson sa isang game-opening, 26-13 flurry.