Standings W L
Benilde 9 2
Letran 10 3
San Beda 7 4
LPU 8 5
JRU 5 4
Arellano 5 6
Perpetual 5 7
SSC-R 4 6
Mapua 4 9
EAC 1 12
Mga laro ngayon:
(Filoil EcoOil Centre)
12 noon – EAC vs Arellano
3 p.m. – Benilde vs San Beda
NAIGANTI ng defending champion Letran ang kanilang first round loss sa Lyceum of the Philippines University sa 69-64 panalo sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil EcoOil Centre.
Nahila ng Knights ang kanilang season-high winning streak sa pitong laro at umangat sa 10-3 overall sa ikalawang puwesto.
Ginawa ni King Caralipio ang ‘biggest play’ sa laro, umiskor sa lay-up kontra Mac Guadaña na nagbigay sa Letran ng 66-62 bentahe, may 35 segundo ang nalalabi.
Nalasap ng Pirates, nabigong sundan ang kanilang 82-75 panalo sa Knights sa first round, ang ikatlong kabiguan sa apat na laro sa second round at nahulog sa 8-5 sa ika-4 na puwesto.
Sa ikalawang laro, pinataob ng San Sebastian ang Jose Rizal University, 72-68, sa isang highly-physical encounter upang mapanatiling buhay ang kanilang pag-asa sa Final Four na may 4-6 kartada.
Dalawang free throws ni Raymart Escobido ang nagbigay sa Stags ng 71-68 kalamangan at gumawa ang Bombers ng bizarre inbound turnover mula kay Jonathan Medina sa huling 4.1 segundo.
Naglaro sa ikalawang pagkakataon sa tatlong araw, nalasap ng JRU ang ika-4 na kabiguan sa siyam na laro para manatili sa labas ng Final Four range.
Nagbuhos si Brent Paraiso ng 13 points, 3 assists at 2 steals para sa Letran habang nagtala si Mark Sangalang ng double-double na may 12 points at 18 rebounds, ang second highest sa likod ni University of Perpetual Help System Dalta’s Mark Omega na may 22 boards.
“Advantage kami sa height kaya hindi kami dapat ma-outrebound ng kalaban,” sabi ni Sangalang, na gumawa rin ng 2 blocks at nagbigay ng 2 assists. “Para sa akin, ang pinakamahalaga talaga sa huli ang panalo.”
Nanatiling walang talo ang Letran magmula nang bumalik sina Paraiso at Sangalang mula sa two-game suspensions sa kalagitnaan ng first round. “Sa practice namin inuumpisahan kasi noong mga unang games nga namin bago kami ma-suspend parang talagang lamang yung sa test of emotions, test of character talaga,” ani Sangalang.
“Sa practice, ginagawa namin parang always positive na lang kami kapag may nagkakamali, itatama namin. Tuturuan namin ang isa’t isa. Ganoon lang, kung anong dapat gawin para pagdating sa dito game, good run na lang. Kasi noonh first round, parang ang gulo namin tignan lalo na kapag hinahabol na kami sa huli, nawawala kami ng composure,” dagdag pa niya.
Iskor:
Unang laro:
Letran (69) — Paraiso 13, Sangalang 12, Reyson 10, Yu 9, Caralipio 7, Javillonar 5, Olivario 4, Go 4, Santos 3, Ariar 2, Miclat 0, Guarino 0.
LPU (64) — Barba 16, Bravo 9, Guadaña 8, Navarro 8, Valdez 6, Larupay 6, Umali 4, Villegas 4, Montaño 3, Cunanan 0, Peñafiel 0.
QS: 16-15, 31-31, 50-46, 69-64
Ikalawang laro:
SSC-R (72) — Yambing 17, Calahat 12, Suico 10, Altamirano 7, Villapando 7, Are 6, Escobido 5, Una 2, Cosari 2, Concha 2, Sumoda 2, Paglinawan 0, Barroga 0.
JRU (68) — Guiab 16, Dela Rosa 15, Amores 12, Sy 5, Dionisio 5, Arenal 4, Medina 4, Celis 3, Tan 2, Abaoag 2, Gonzales 0, Miranda 0, Villarin 0, De Jesus 0, Joson 0.
QS: 12-22, 40-34, 53-57, 72-68.