KOLEHIYO SA DAVAO ANGAT BILANG UNIBERSIDAD

ITINAAS ng Mala­cañang bilang uni­bersidad ang Davao Oriental State College of Science and Technology makaraang lagdaan ito ni President Rodrigo Duterte noong Lunes.

Isa ito sa dalawang legislative measures na nilagdaan ng Pangulo bilang bahagi ng Ease of Doing Business Act of 2018, kung saan ang batas ay tututok sa kabiguan ng Anti-Red Tape Act of 2007.

Kinilala ng batas ang  kahanga-hangang ginampanan ng kolehiyo para makapag-produce ng professionals at experts na ambag para sa mahuhusay na mamamayan ng Davao Region at sa buong Mindanao.

“It is my sincere hope that our country’s newest university will continue to take part in nation-building by offering advanced technological instruction and [by] pursuing highly specialized research programs in various fields of science and technology,” bahagi ng speech ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Alok ng Davao Oriental State University ang degree programs sa elementary education, secondary education  with major in English, Mathematics at Bio Science.     MANUEL CAYON

Comments are closed.