PANALANGIN ngayon ang hiling ng Kamara sa publiko matapos na magpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) si 2nd District, Sorsogon Congresswoman Ditas Ramos.
Ayon kay House Secretary General Atty. Jose Luis Montales, mismong si Ramos ang nagparating sa Kamara sa kanyang kalagayan.
Sa probinsya na nagpasuri si Ramos matapos makaranas ng mga sintomas ng sakit.
“Let’s pray for the speedy and complete recovery of our confirmed cases,” pahayag ni Montales.
Si Ramos ang ika-68 na kaso ng COVID-19 sa Kamara.
Samantala, dalawa pang empleyado ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang nagpositibo sa COVID-19.
Nadagdag sa listahan ang isang babaeng empleyado ng Finance department na huling pumasok sa trabaho noong Setyembre 1 at sumama ang pakiramdam matapos alagaan ang anak na lalaki na nagpositibo sa COVID-19.
Ang isa pang empleyadong nagpositibo sa virus ay nakatalaga naman sa Committee on Legislative Franchises at huling pumasok sa trabaho noong Agosto 10.
Comments are closed.