SEOUL – Pumalo ang exports ng kimchi ng South Korea sa bagong record high sa first half ng taon, sa likod ng lumalawak na global popularity ng Korean cuisine, partikular sa North America at Europe.
Batay sa datos na nalikom ng Korea Customs Service at Korea Agro-Fisheries & Food Trade Corp., ang outbound shipments ng kimchi, isang traditional Korean side dish na karaniwang gawa mula sa fermented cabbage, ay umabot sa 23,900 tons sa unang anim na buwan ng taon, tumaas ng 4.8 percent mula noong nakaraang taon.
Ang half yearly figure ay patuloy na tumataas sa nakalipas na 10 taon, tumaas mula 11,500 tons noong 2015 at 11,900 tons noong 2016 sa 20,300 tons noong 2020 at 22,200 tons noong 2022.
Pagdating sa value, ang kimchi ay nagkakahalaga ng USD83.8 million para sa first half, ang second highest kasunod ng USD86.7 billion noong 2021.
Ang pagtaas sa kimchi exports ay dahil sa lumalaking demand mula sa North America at Europe.
Ang exports ng kimchi sa United States ay tumaas ng 20 percent on-year sa 6,600 tons sa unang anim na buwan, habang sa Canada ay umangat ng 34 percent sa 900 tons.
Ang overseas sales ng Korean kimchi sa Netherlands ay tumaas din ng 34 percent on-year sa 1,300 tons sa first half.
Pagdating sa value, ang kimchi exports sa U.S. ay umabot sa record USD24.1 million, tumaas ng 18.9 percent mula sa nakaraang taon, habang ang Netherlands ay may USD5.6 million, Britain ay may USD4.2 million at Canada, USD3.8 million.
Ang Japan, ang pinakamalaking buyer ng South Korean kimchi, ay bumili ng 9,600 tons ng Korean kimchi, na nagkakahalaga ng USD28.3 million, sa nakalipas na anim na buwan, bumaba ng 11.9 percent mula noong nakaraang taon.
Samantala, ang imports ng kimchi ng South Korea ay naitala sa USD83.4 million sa first half, bumaba mula USD78.8 million noong nakaraang taon.