AYAW paawat ang kampo ni Kris Aquino at magkapatid na Falcis (Jesus at Nicko) sa pagparunggit sa isa’t isa sa social media. Palaban ang Falcis siblings lalo pa nu’ng naramdaman nila na mayroon silang kakampi.
Feeling victorious pa si Nicko sa kanyang huling mensahe sa social media. Pero ‘di nila naiisip na baka si Kris ini-enjoy lang lahat ng nangyayari. Walang project na TV show or movie si Kris, and yet, siya ang laman ng mga balita sa social media, radio and print. Kaya ramdam na ramdam pa rin ang presensya ni Kris sa industrya.
After all, hindi magiging Queen of All Media si Kris for nothing. Kabisadong-kabisado ni Kris ang enter-tainment press much more kering-keri rin niyang laruin ang social media.
Ang bottomline ng awayan nila ay ang perang ina-accuse ni Kris kay Nicko na perang kinuha diumano nito sa kanyang Kris Cojuangco Aquino Productions (KCAP).
Malaking halaga naman talaga ‘yun para ipagkibit-balikat lang ni Kris. Kailangan niyang mabawi ‘yun.
And by this time siguro ay napaghandaan na ng mga Falcis kung paano sasagutin sa korte ang kasong isinampa ni Kris sa kanila at isolo sa kanya ang perang kinuha raw ni Nicko mula sa KCAP.
If true na nagalaw ni Nicko ang pera sa kompanya ni Kris, saan naman kaya niya dinala ‘yung pera? E, ang balita mayaman naman ang pamilya ni Nicko ‘di ba?
Well, enough na sana ang patutsadahan at gawing usaping-legal na lang ang lahat.
PPP IPAGDIRIWANG ANG 100 TAON NG PHIL CINEMA
IPAGDIRIWANG ng Pista ng Pelikulang Pilipino ang Centennial Year ng Philippine Cinema. Opisyal nang inihayag ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang ikatlong taon ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) ngayong 2019.
Magaganap ang PPP simula Setyembre 11 hanggang 17 na siyang magiging opisyal na selebrasyon ng Sandaang Taon ng Pelikulang Pilipino.
“Excited na kaming isali ang buong bansa sa selebrasyon ng Sandaang Taon ng Pelikulang Pilipino at ang mas magandang paraan upang gawin ito ay maengganyo natin ang ating manonood na suportahan ang dekalidad na genre films na espesyal na ginawa para sa kanila. Ang mga hinahanap namin ay ang mga pelikulang may original narrative at kakaibang mga paglalahad ng kuwento pero accessible sa mas malawak na manonood,” pahayag ni FDCP Chairperson Liza Diño.
Ang Sandaang Taon ng Pelikulang Pilipino ay kinilala sa pamamagitan ng Presidential Proclamation 622 Series na nilagdaan noong Nobyembre na nagtatalaga sa FDCP bilang lead agency para sa selebrasyong ito.
Ang historic milestone na ito ay ipinahayag sa karangalan ng Dalagang Bukid ni Jose Nepomuceno na ipinalabas noong Setyembre 12, 1919, at itinuring na pinakaunang pelikulang gawa ng Pilipino.
Comments are closed.