KRIS BERNAL GUSTONG GUMAWA NG PROYEKTO PARA SA KABABAIHAN

kris bernal

GUSTO ni Kris Bernal na makagawa ng isang project na magbo-boost ng confidence ng mga kababaihanhotshots ngayon.

Tulad kasi niya ay nangarap siyang mapaa­ngat ang kanyang buhay. Ginawa niya ang lahat ng kaya niyang gawin. Hindi lang isang artista si Kris, isa rin siyang successful businesswoman.

“Everything starts with a dream. And only through hard work can we made our dreams  a reality.

“It has always been my dream to be an artist, and winning Starstruck was the break  that I  needed to enter the industry. My support system, consisting of family, friends, colleagues, brand sponsors, management and fans has always been  instrumental  in how I was able to make that dream and so much more come true. Through the years, I have continued to check off of my dream-list, buying a house in Cali for my fami­ly, opening @HOuseofGogiPH and launching  my passion project.

“But  what makes being an artist so much more is that this blessing  has provided  me a platform to share my stories in the hopes that they motivate and empower you. And speaking of empowerment, I`m excited to share with a passion project that we`ve  been working hard on since last year. The goal is twin-fold to motivate women by sharing inspiring stories of which we can learn and draw strength from; and to empower women by providing the tools to be our most beautiful selves.

“So join me as we celebrate womanhood by taking a closer look into the stories of some of the most amazing  Filipinos. As what they will show us, a woman who believes in herself and gives her best  can achieve whatever#SHE  sets her mind and heart to. #YouGotItGirl – Kris B.”

Na-feature na ni Kris sa kanyang You Got It Girl project ang bida sa teleser­yeng Onanay na si Jo Berry at look a like niya na contestant sa Asia`s Next Top Model na si Jach Manere.

ANDREA TORRES MAY SARILING KALENDARYO NG SEXY PHOTOS

NAGING  panata ni Andrea Torres at kanyang pamilya na sa bansa natin mag-celebrate ng Pasko at andrea torressalubungin ang Bagong Taon. Pero next year, April 2019, isasama ni Andrea ang kanyang nanay sa Maldives para sa summer vacation.

Sa tanong kung bakit ang nanay niya ang kanyang kasama sa Maldives, sagot ni Andrea, para iwas daw sa tsismis at para makapagbakasyon daw siya nang walang isyu at intriga.

Samantala, may regalo si Andrea sa kanyang followers at tagahanga sa pamamagitan ng kanyang 2019 Calendar na siya mismo ang nag-produce.

Available na ang kanyang calendar for sale, sa halagang P800 na kung saan lalantad ang mga sexy pictorial ni Andrea mula Jan-uary 2019 hanggang December 2019.  Nasa socmed account ni Andrea kung paano makakakuha ng kanyang calendar na kung saan may isang larawan na topless ang Kapuso actress.

Pagkakataon na rin ng mga bibili na makasama si Andrea dahil may promo siya sa mga mag-a-avail ng calendar ng nine winner na makaka-dinner niya.

Habang wala pang project si Andrea ay balik Bubble Gang siya para muling samahan ang BG barkada na laging nakasuporta sa kanya noon at hanggang ngayon.

EAT BULAGA LALAYAS NA SA BROADWAY CENTRUM

TOTOO pala na lalayasan ng Eat Bulaga ang Broadway Centrum. Lilipat ang buong barkada ng EB sa eat bulagakanilang sariling studio sa Cainta, Rizal, along Marcos Highway  at isasabay raw ang paglipat sa bagong studio sa Feast of Immaculate Concepcion.

Sa TV plug ay isang bata ang mapanonood na kausap ang kanyang nanay at nagyaya ito na may pupuntahang lugar. Lumabas sa plug ang petsa na Dis­yembre 8, na ibig sabihin ay sa naturang date nakatakdang lumipat ang Eat Bulaga sa kanilang bagong studio.

Comments are closed.