SA HALIP na magpadala ng PM o private messages sa customers, ang mga online seller at business owner ay dapat mag-post ng presyo ng kanilang mga produkto at serbisyo, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).
Sinabi ng DTI na dapat ibunyag ng mga online seller ang presyo alinsunod sa Fair Trade Laws.
Ayon sa DTI Consumer Protection Group, dapat sumunod kapwa ang online at physical store owners sa Consumer Act of the Philippines na nagre-require ng nararapat na tags, labels, o markings na nagpapakita ng presyo ng consumer products.
Ang nasabing mga produkto ay hindi dapat ipagbili ng mas mataas sa presyo na nakalagay.
“To strengthen the implementation of the Price Act and Consumer Act, the DTI, Department of Agriculture (DAR), Department of Health (DOH), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Intellectual Property Office (IPO), and National Privacy Commission (NPC) have recently issued the Joint Administrative Order (JAO) No. 22-01, consolidating all existing rules and guidelines on online businesses,” ayon sa DTI.
“We are firm in enforcing these laws, especially on the requirement of price tags, to ensure consumers’ right to choose quality products at reasonable prices,” pagbibigay-diin ni DTI Consumer Protection Group (CPG) Undersecretary Ruth Castelo.
Babala ng ahensiya, maaaring pagmultahin at makulong ang mga online seller na ipipilit ang pagpapadala ng private messages sa mga consumer na nagtatanong ng presyo.
Ang multa ay mula P200 hanggang P5,000 habang ang pagkakakulong ay mula isang buwan hanggang anim na buwan.