KUMAKAIN SA RESTO DUMAMI

Secretary Ramon Lopez

ANG pagtaas ng bilang ng mga taong kumakain sa labas o sa mga restaurant ay patunay na gumaganda ang ekonomiya ng bansa, ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez.

“’Yung mga dating ‘di kumakain sa labas, kumakain na sa fast food. ‘Yung mga kumakain sa fast food, kumakain na sa mga eat-all-you-can. ‘Yung mga kumakain sa eat-all-you-can, kumakain na sa mas mamahaling restaurant,” pahayag ni Lopez.

“Parang lahat po ay medyo nag-a-upgrade. Sa mga talaan natin, ‘yung eating out sa mga restaurant, ‘yan po ang isa sa mga lumalaki. Characteristic po ng growing economy, ng growing middle class,”paliwanag pa ng kalihim.

Aniya, sa Social Weather Station (SWS) survey ay lumilitaw na maraming Pinoy ang guminhawa na ang buhay at nakararaos na sa kahirapan.

Sinasabi pang ang Filipinas ay pangalawa na sa mga bansa sa Asya na pinakamabilis ang paglago ng ekonomiya

Mas dumami, aniya, ang mga nagsabing hindi sila nakararanas ng kahirapan na nangangahulugang nadagdagan ang kanilang hawak na pera.

“Nung huling survey ng SWS, maraming nagsabi na hindi sila mahirap ngayon. Ibig sabihin, bumaba na ‘yung nagsasabi na mas mahirap sila ngayon. Ibig sabihin ho, mas marami silang hawak na pera. Kase base nga sa computation ng DOF sa mga napalaot na pera ngayon ay medyo lumaki”

Sa lagay naman ng trade and industry, sinabi ni Lopez na nakapagtala ng 8 percent na paglago sa manu-facturing sector na naging dahilan kaya bu­maba naman ang unemployment rate.   VERLIN RUIZ

 

Comments are closed.