BULACAN- DEAD on the spot ang dating kumandidatong mayor ng siyudad ng Meycauayan matapos na pagbabarilin ng riding in tandem sa Brgy, Banga ng lalawigang ito.
Kinilala ni P/Lt.Col. Bernardo Pagaduan, ang biktima na si Ryan Afable Cayanan, 45-anyos, may asawa, negosyante at residente sa nabangit na lugar.
Sa imbestigasyon, ganap na alas-12:30 ng tanghali nang pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang suspek na kung saan tatlong tama ng bala ang tumama sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng biktima.
Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang mga suspek.
Nabatid na bago binaril ang biktima nakapag post pa ito sa kanyang facebook account na ang sinasabi, “Lahat nang galaw ko may CCTV Footage kayo, mga kababayan, kapag may nangyari po sa aking masama, alam nyo na po sino may gawa…ang nais ko lamang po patas na pagbabago para sa Meycaueño, magiging masaya po akong mamatay para sa inyo”.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad kung sino at ano ang motibo ng pamamaslang. THONY ARCENAL
Comments are closed.