(Kumarera sa ika-9 sunod na panalo) RATSADA ANG JAZZ

jazz vs knicks

SUMANDAL  ang Utah Jazz sa tibay ng kanilang mga defensive player upang mapanatili ang kanilang winning streak matapos na pataubin ang New York Knicks, 108- 94.

Kumamada si Rudy Gobert ng 18 puntos, 19 rebounds at 8 blocks para sa Jazz na naitala ang ika-9 na sunod na panalo.

Nakatuwang ni Gobert si Mike Conley na may 19 puntos at pitong rebounds kasama ang limang assists habang siyam na puntos naman ang ambag ni Donovan Mitchell.

Tumipa  si Austin Rivers ng 25 puntos para sa New York na nagawa lamang niya sa first half habang nagdagdag si Julius Randle ng 18 puntos at 10 rebounds.

Gayunman ay hindi ito sapat para makahabol ang Knicks sa agresibong laro ng Jazz.

ROCKETS 107,

WIZARDS 88

Binalikat ni John Wall ang panalo ng Houston Rockets kontra Washington Wizards, 107-88, sa kabila ng pamamaga ng kanyang tuhod sa natamong injury, kung saan kinailangan niyang maghintay sa huling pitong minuto ng laro bago makabalik at pasikatan ang kanyang dating koponan.

Hindi nag-aksaya ng panahon si Wall upang bigyan ng isang magandang panalo ang Rockets sa pagkamada ng 24 puntos at hiyain ang koponan ni Russel Westbrook.

Sa halftime ay may nalikom na 15 puntos si Wall,  kasama ang isang left-handed layup na nagbigay ng  53-45 kalamangan sa koponan sa second quarter.

Wala namang nagawa ang tropa ng Washington at ni Westbrook para maagaw ang panalo

HAWKS 108,

CLIPPERS  99

Nagbuhos si Trae Ypung ng 38 puntos upang pangunahan ang Atlanta Hawks na putulin ang seven-game winning streak ng  LA Clippers sa pamamagitan ng 109-88 panalo.

Naglaro  ang Clippers na wala ang tatlo sa  kanilang key players na sina Kawhi Leonard at Paul George sanhi ng safety at health protocols at Patrick Beverly na namamaga  ang kanang tuhod.

Nakalikom si Reggie Jackson ng 20 puntos at 8 assists para sa Clippers habang nag-ambag si Serge Ibaka ng  15 puntos.

Nagtala  si De’Andre Hunter ng 22 puntos para sa Hawks at gumawa si Clint Capela ng 13 puntos at kumalawit ng 19 rebounds.

Comments are closed.