POSIBLENG bawasan ang asukal sa pandesal kung magpapatuloy ang pagtaas ng presyo nito sa merkado.
Ito ang sinabi ni Chito Chavez, presidente ng Asosasyon ng Panaderong Pilipino, kung saan pumalo na sa P5,000 ang presyo ng kada sako ng asukal mula sa dating P2,500.
Aniya, makasasabay ang mga baker sa tumataas na gastos sa paggawa ng pandesal at maibabalik ang original recipe nito.
Bukod dito, ipinabatid pa ng grupo na posiblng gamitin nila ang Stevia sweetener bilang alternatibong asukal para sa mga diabetic.
DWIZ 882