Mga laro ngayon:
(Smart Araneta Coliseum)
8 a.m. – UE vs FEU (Women)
10 a.m. – UP vs NU (Women)
2 p.m. – UE vs FEU (Men)
4 p.m. – UP vs NU (Men)
IPINAGPALIBAN kahapon ng UAAP ang pagsisimula ng second round ng men’s basketball tournament sa Araneta Coliseum dahil sa Severe Tropical Storm Paeng.
Isinailalim sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 ang Metro Manila kahapon ng umaga kung kaya kinansela ng liga ang La Salle-University of Santo Tomas at Ateneo-Adamson matches.
“This means automatic suspension of all collegiate activities under the Commission on Higher Education, including varsity events like the UAAP,” pahayag ng liga sa isang statement.
Kung gaganda na ang panahon, umaasa ang UAAP na masimulan ang second round ngayon sa Big Dome, kung saan maghaharap ang defending champion University of the Philippines at National University sa alas-4 ng hapon, at magpapambuno ang University of the East at Far Eastern University sa alas-2 ng hapon.
Bago ang postponement ng men’s games ay nakapagsimula na ang women’s second round action, kung saan ginulantang ng Lady Archers ang Tigresses, 67-60.
Naiganti ng La Salle ang 57-71 pagkatalo sa UST sa first round upang makatabla ang kanilang biktima sa 6-2.
Nagbuhos si Kacey dela Rosa ng 23 points at 23 rebounds sa kanyang pagbabalik mula sa two-game absence habang isinalpak ni Jhaz Joson ang dalawang free throws sa huling 5.2 segundo nang malusutan ng Ateneo ang Adamson, 76-72, para mapahigpit ang kapit sa fourth spot na may 5-3.
Kumamada si Joehanna Arciga, nasa kanyang huling season sa Lady Archers, ng 14 points, 6 rebounds, 5 assists at 3 steals habang nagdagdag si Lee Sario ng 11 points.
Nagtala si Rocel Dionisio ng double-double na 17 points at 11 rebounds na sinamahan ng 2 blocks habang nag-ambag si Eka Soriano ng 10 points, 6 assists at 5 boards para sa Tigresses.
Iskor:
Unang laro (Women)
DLSU (67) — Arciga 14, Sario 11, Niantcho 9, Torres 6, Ahmed 6, De La Paz 6, Binaohan 5, Jimenez 3, Espinas 3, Dalisay 2, Camba 2.
UST (60) — Dionisio 17, Soriano 10, Bron 7, Ambos 6, Tacatac 5, Santos 5, Villasin 5, Danganan 3, Serrano 2, Pangilinan 0, Villapando 0.
Quarterscores: 22-15, 40-29, 53-43, 67-60
Ikalawang laro (Women)
Ateneo (76) — Dela Rosa 23, Villacruz 21, Calago 9, Joson 8, Eufemiano 5, Miranda 4, Makanjoula 4, Nieves 2, Cruza 0.
AdU (72) — Adeshina 27, Dampios 17, Agojo 10, Flor 8, Padilla 6, De la Cruz 2, Etang 2, Ornopia 0, Alaba 0, Catulong 0, Carcallas 0, Tano 0.
Quarterscores: 17-9, 39-27, 56-49, 76-72