ARESTADO ang isang babaeng Pulis Malabon matapos magpaulan ng bala at ibuhos ang sama ng loob sa kanyang live-in partner dahil sa selos, ilang oras bago mag Bagong Taon.
Nahaharap sa kasong criminal and administrative cases si PSSg Karen R. Borromeo, 39-anyos, nakatalaga sa Malabon Police Sub-Station 4 at residente ng Purok 6, Dulong Hernandez St. Catmon, Malabon City.
Naganap ang insidente bandang 7:45 noong December 31 sa harap ng kanilang bahay sa Dulong Herera St. Barangay Ibaba, Malabon City nang magkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng pulis at ng kanyang kinakasama na nauwi sa matinding pagseselos at sa galit ay nagpaulan ng bala ng 14 na beses.
Wala namang nasaktan sa pangyayari at nasaksihan ng kapitbahay ang pagpapaputok habang siya ay nasa kanilang roof top at agad na ini-report sa Barangay Ibaba officials ang insidente saka inalerto ang Sub-Station 6, Malabon CPS.
Agad na nagresponde sina PLt. Mannyric Delos Angeles at anim pang pulis at inaresto si Borromeo.
Narekober sa crime scene ang 14 na basyo ng service firearm na Cal 9mm (Glock) with serial number PNP 10092.
Mariing sinabi ni Northern Police District (NPD) District Director, PBGen. Eliseo DC. Cruz na hindi uubra sa serbisyo ang mainit na ulong pulis kaya kailangang managot at harapin ang isinampang kaso.
“Erring Police Officer who will be caught indiscriminately fired their Service Firearm will be dealt accordingly and the Officers and Men of the Northern Police District assure the public that the full force of the law shall be applied in the case of PSSg Karen R. Borromeo and let the wheel of justice roll,” ayon pa kay Cruz.
Kasalukuyang nakakulong si Borromeo sa Malabon City Police Station Custodial Facility at inihahanda ang kasong criminal and administrative cases laban sa lady cop. EVELYN GARCIA/VICK TANES
Comments are closed.