LADY SPIKERS-LADY BULLDOGS TITLE SHOWDOWN SIMULA NA

UAAP Season 81 women’s volleyball tournament

Mga laro ngayon:
(Smart Araneta Coliseum) 2 p.m. – UST vs FEU (Men Step-ladder)
4 p.m. – DLSU vs NU (Women Finals)

SISIMULAN ng National University at La Salle, ang umuusbong na women’s volleyball rivalry sa UAAP, ang kanilang best-of-three championship series ngayon sa Araneta Coliseum.

Winalis ng Lady Spikers, natalo sa Lady Bulldogs sa finals noong nakaraang season, ang kanilang elimination round
head-to-head ngayong taon, pawang sa straightset fashions.

Binigo ng La Salle ang NU, 25-10, 25-15, 25-21, noong nakaraang March 22, bago nakau- lit makalipas ang tatlong
araw sa mas dikit na iskor na 26-24, 26-24, 25-16.

Nanalo ng pitong su- nod matapos ang naturang kambal na pagkatalo, batid ng Lady Bulldogs na may korona pa silang idedepensa sa paglarga ng Game 1 sa alas-4 ng hapon.

“For me, Finals na ito. Ibang usapan na ito. Natalo man kami first and second round, tapos na po iyon. Itong Finals back to zero na talaga. Dito na papasok kung sino ang gustong manalo. Kung sino yung mas gusto ng season na ito. Siguro po yung mindset namin, kailangan namin, nan- doon na talaga yung goal.

Mag-stick kami sa goal namin, and laban lang kami as a team,” sabi ni reigning MVP Mhicaela Belen.

“Hindi kami papayag na maagaw sa amin yung korona,” dagdag pa niya.

Sina Alyssa Solomon at Belen ang 1-2 punch ng NU, habang nagbigay rin si newcomer Vangie Alinsug ng karagdagang lakas ngayong season. Naibalik naman nina setter Camil- la Lamina at libero Jen Reyes ang kanilang dating porma para sa Lady Bulldogs.

Para kay super rookie Angel Canino, ang pagwawagi ng championship ay magpapakita sa kung ano ang mayroon ang
Lady Spikers.

“Sobrang laki ng bagay na ‘yun kasi ‘yun ‘yung goal namin sa team and ‘yun ‘yung goal ng bawat isa sa amin na magchampion, hindi ‘yung mga individual awards or kung anuman. ‘Yung goal namin is mag-champion and after that doon namin mapapakita na ito kami, La Salle kami, kaya namin,” sabi ni Canino.

Papasok ang Lady Spikers sa series bilang mas gutom na koponan, kung saan nagawang palakasin ng Taft-based squad ang kanilang ros- ter sa pagkuha kina Can- ino at 6-foot-2 Shevana Laput, habang bumabalik si Alleiah

Malaluan sa kanyang karaniwang offensive self, makaraang tuluyang makarekober mula sa minor knee injury.