LAKERS BALIK SA PORMA

lakers vs blazers

NAGSALANSAN si LeBron James ng 28 points, 11 rebounds, 7 assists, 4 steals at 3 blocked shots upang pangunahan ang Los Angeles Lakers sa 102-93 panalo laban sa bisitang Portland Trail Blazers noong Biyernes ng gabi (US time).

Sa panalo ay naputol ang season-worst four-game losing streak ng Lakers.

Nagbuhos si Damian Lillard ng 35 points at 7 assists subalit ‘di napigilan ang Portland na malasap ang season-worst fourth straight game na pagkatalo.

Umiskor si Dennis Schroder ng 22 points para sa Lakers makaraang lumiban sa naunang apat na laro dahil sa COVID-19 proto-cols. Nag-ambag sina Montrezl Harrell ng 17 points at 9 rebounds, at  Alex Caruso ng 10 points para sa Los Angeles.

Tumipa si Gary Trent Jr. ng 19 points at nagdagdag si Enes Kanter ng 11 points at 17 rebounds para sa Trail Blazers. Umiskor din si Derrick Jones Jr. ng 11 points para sa Portland, na bumuslo ng 38.6 percent mula sa field at nagtala ng 11 of 37 mula sa 3-point range.

HEAT 124,  JAZZ 116

Kumamada si Jimmy Butler ng season-high 33 points na sinamahan ng 10 rebounds at 8 assists, upang pangunahan ang  host Miami Heat sa 124-116 panalo kontra Utah Jazz.

Tumabo si Donovan Mitchell ng 30 points para sa Jazz, na may  best record sa  NBA at 22-3 magmula noong Jan. 8. Bumuslo si Mitchell ng 11-for-26, kabilang ang 2-for-9 sa 3-pointers.

Nanalo ang Miami ng limang sunod. Sa nakalipas na linggo ay tinalo ng Heat ang NBA’s two most recent champions — Toronto Raptors (2019) at Los Angeles Lakers (2020).

Bukod kay Butler, ang Heat ay nakakuha rin ng 26 points kay Goran Dragic mula sa bench. Nagdagdag si Heat center Bam Adebayo, naglaro sa kabila ng pagiging game-time decision dahil sa pamamaga ng tuhod, ng 19 points, 11 rebounds at 7  assists.

Nakakuha rin ang Jazz ng 17 points mula kay Bojan Bogdanovic at 15 points, 12 rebounds at 2 blocks mula kay Rudy Gobert. Nagdagdag si Mike Conley ng 14 points at team-high seven assists.

Sa iba pang laro ay nadominahan ng Sacramento Kings ang Detroit Pistons, 110-107, at pinataob ng Golden Warriors ang Charlotte Hornets, 130-121.

Comments are closed.