NAITALA ni LeBron James ang kanyang ika-31 double-double at nagdagdag si Kyle Kuzma ng 23 points upang pangunahan ang 124-115 panalo ng Los Angeles Lakers laban sa Houston Rockets noong Sabado.
Tumipa si James ng team-high 31 points at game-high 12 assists habang gumawa sina Danny Green at Kentavious Caldwell-Pope ng tig-20 points para sa Lakers na bumuslo ng 48.4 percent mula sa floor. Nag-ambag si Dwight Howard ng 10 rebounds, at ang Lakers ay may kabuuang 24 second-chance points.
Nanguna sina Russell Westbrook (35 points, 9 rebounds, 7 assists) at James Harden (34 points, seven assists) para sa Rockets, na nalasap ang ikat-long sunod na kabiguan. Gumawa ang Houston ng 20 turnovers.
THUNDER 119,
BLAZERS 106
NAPANTAYAN ni Chris Paul ang kanyang season high 30 points upang tulungan ang Oklahoma City Thunder na magwagi kontra bisitang Portland Trail Blazers.
Makaraang matalo noong Biyernes sa Miami Heat, nagpahayag si Paul ng pagkadismaya sa mabagal na simula ng Thunder.
“We’ve got to figure it out,” wika ni Paul.
RAPTORS 122, WOLVES 112
NAGBUHOS si Fred VanVleet ng 29 points sa kanyang pagbabalik mula sa hamstring injury at nagdagdag si Kyle Lowry ng 28 points nang igupo ng bisitang Toronto Raptors ang Minnesota Timberwolves.
Kumabig si Norman Powell ng 20 points at nagdagdag si Pascal Siakam ng 14 para sa Raptors na nagbalik ang regulars sa court. Sina Powell at Siakam ay bumalik mula sa injury noong nakaraang weekend, habang si Marc Gasol ay noong Biyernes. Si VanVleet ang pinakahuling bumalik makaraang lumiban ng limang laro.
Tumirada sina Jarrett Culver ng 26 points at Robert Covington ng 22 para sa Timberwolves, na nalasap ang ika-5 sunod na kabiguan. Tumipa si Karl-Anthony Towns ng 12 para sa Minnesota sa kanyang pangalawang laro makaraang bumalik mula sa 15-game absence dahil sa sore knee.
JAZZ 123,
KINGS 101
NAGSALPAK si Bojan Bogdanovic ng anim na 3-pointers at umiskor ng 30 points upang tulungan ang Utah Jazz na payukuin ang Sacramento Kings sa Salt Lake City.
Kumana si Rudy Gobert ng season-high 28 points sa 9-of-11 shooting at kumalawit din ng 15 rebounds at 3 blocked shots, at tumabo si Donovan Mitchell ng 22 points para sa Jazz na nanalo sa ika-16 na pagkakataon sa nakalipas na 18 games.
Tumapos si Jordan Clarkson na may 20 points at nagdagdag si fellow reserve Georges Niang ng 10 para sa Jazz, na bumuslo ng 50.6 percent mula sa field, kabilang ang 14 of 42 mula sa 3-point range. Nagbigay si Joe Ingles ng season-high 12 assists at humugot ng 9 rebounds.
Sa iba pang laro, pinadapa ng Golden State Warriors ang Orlando Magic, 109-95; nasingitan ng Chicago Bulls ang Cleve-land Cavaliers, 118-116; pinaso ng Phoenix Suns ang Boston Celtics, 123-119; naungusan ng Philadelphia 76ers ang New York Knicks, 90-87, at tinambakan ng Detroit Pistons ang Atlanta Hawks, 136-103.