TUMABO si James Harden ng 23 points at 11 assists at umiskor si Joe Harris ng 21 points nang dispatsahin ng Brooklyn Nets ang host Los Angeles Lakers, 109-98, noong Huwebes (US time).
Nag-ambag si Kyrie Irving ng 16 points at 7 rebounds para sa Nets, na nalambat ang ika-5 sunod na panalo. Tumipa si reserve Timothe Luwawu-Cabarrot ng 15 points at naipasok ang 5 sa 8 3-point attempts. Si Harris ay 6 of 7 mula sa 3-point range.
Sa ikatlong sunod na pagkakataon ay hindi naglaro si Kevin Durant ng Brooklyn dahil sa hamstring injury.
Gumawa si LeBron James ng 32 points sa 14-of-23 shooting at nagdagdag ng 8 rebounds at 7 assists para sa Lakers, na naglaro na wala sina Dennis Schroder (health and safety protocols). at Anthony Davis dahil sa calf strain.
Nag-ambag si Kyle Kuzma ng 16 points at 10 rebounds at umiskor si Montrezl Harrell ng 10 points para sa Los Angeles, na nalasap ang ikalawang pagkabigo sa tatlong laro.
RAPTORS 110,
BUCKS 96
Kapawa na-outscore nina Norman Powell at Pascal Siakam si Giannis Antetokounmpo nang makumpleto ng bisitang Toronto Raptors ang two-game sweep sa Milwaukee Bucks sa pamamagitan ng 110-96 panalo.
Nagbuhos si Powell ng season-high-tying 29 points at nagdagdag si Siakam ng 27 upang tulungan ang Toronto na masundan ang 124-113 panalo kontra Bucks noong Martes.
Tumipa si Antetokounmpo ng 23 points upang pangunahan ang Bucks, na nalasap ang ika-5 sunod na pagkatalo.
HEAT 118,
KINGS 110
Nagposte si Tyler Herro ng 27 points, kumamada si Kelly Olynyk ng season-best 22 points at nagdagdag si Duncan Robinson ng 20 nang gapiin ng bisitang Miami Heat ang inaalat na Sacramento Kings, 118-110.
Nagsalansan si Jimmy Butler ng 13 points, 13 assists at 10 rebounds upang maging unang player sa kasaysayan ng Heat na may tatlong sunod na triple-doubles.
Nagposte rin si Bam Adebayo ng triple-double na may 16 points, 12 rebounds at 10 assists para sa Heat na pinutol ang three-game losing streak. Nagdagdag si Kendrick Nunn ng 16 points para sa Miami.
Nakakolekta si Nemanja Bjelica ng season-high 25 points at 8 rebounds para sa Kings, na nalasap ang season-worst fifth straight game. Nagdagdag si Marvin Bagley III ng 19 points at 10 rebounds, at kumana si DaQuan Jeffries ng 5-for-5 mula sa 3-point range sa pag-iskor ng career-best 17 points.
Nagdagdag si De’Aaron Fox ng 11 points at 10 assists para sa Sacramento, at gumawa si Cory Joseph ng 10 points.
Comments are closed.