LAKERS DINAGIT NG HAWKS

LAKERS VS HAWKS

NAGBUHOS si rookie Trae Young ng 22 points at 14 assists at gumawa si John Collins ng 22 points sa kabila ng foul trouble upang tulun-gan ang Atlanta na igupo ang Los Angeles, 117-113.

Pinutol ng Hawks ang three-game losing streak at nalusutan ang triple-double ni LeBron James, na tumipa ng 28 points, 16 assists at 11 rebounds.

Umiskor lamang ang Hawks ng 7 points sa hu­ling 6:33 subalit nanati­ling matatag. Naisalpak ni Taurean Prince ang isang krusyal na 3-pointer, may 1:48 ang nalalabi.

Tumipa sina Kyle Kuzma at Brandon Ingram ng tig-19 points para sa Lakers.

CELTICS 112, 76ERS 109

Kumana si Gordon Hayward ng 26 points, kabilang ang isang go-ahead 3-pointer sa huling 1:50 ng laro, at dinispatsa ng Boston Celtics ang Phila-delphia 76ers noong Martes ng gabi.

Kumamada si Al Horford ng 23 points at nagdagdag si Jayson Tatum ng 20 points at  10 rebounds upang tulungan ang Celtics na mapanatili ang dominasyon sa Sixers.

Naglaro na wala si All-Star point guard Kyrie Irving, na na-sprain ang kanang tuhod noong Sabado ng gabi, tinalo ng Celtics ang Philadelphia sa ikatlong sunod na pagtatagpo ngayong season makaraang gapiin ang Philadelphia sa limang laro sa Eastern Conference semifinals noong nakaraang season.

Tumipa si Joel Embiid ng 23 points at 14 rebounds at umiskor si Jimmy Butler ng 22 para sa Philadelphia.

WARRIORS 115, JAZZ 108

Nalusutan ni Stephen Curry ang matamlay na shooting at naipasok ang pares ng krusyal na 3-pointers sa fourth quarter habang tumirada si Kevin Durant ng  28 points at 7 assists nang matakasan ng Warriors ang Jazz.

Gumawa si Curry ng 24 points sa 8 of 19 shooting. Nagmintis ang two-time MVP sa kanyang unang limang tira sa 3-point area at tumapos na 5 of 14 sa 3s.

Nagtala si Klay Thompson ng 22 points at nag-ambag si DeMarcus Cousins ng 12 points at 10 rebounds upang tulungan ang Golden State na maitarak ang ika-4 na sunod na panalo at ika-16 sa 17.

Nakalikom si Donovan Mitchell ng 25 points at 7 rebounds para sa Utah at nagdagdag si Rudy Gobert ng 13 points at 16 rebounds. Ang double-double ni Gobert ay ika-46 niya sa season.

SPURS 108, GRIZZLIES 107

Tumipa si LaMarcus Aldridge ng 22 points, kabilang ang huling pito ng San Antonio, nang putulin ng Spurs ang four-game losing streak sa pagbasura sa Memphis.

May pagkakataon si Memphis rookie Jaren Jackson Jr. na itabla ang laro sa pamamagitan ng dalawang free throws, may isang segundo ang nalalabi. Nagmintis siya sa una, at nang tangkaing isablay ang pangalawa ay pumasok ito, na nagbigay ng pagkakataon sa San Antonio na ubusin ang oras.

Ang Memphis ay pinangunahan ni Avery Bradley na nagbuhos ng career-high 33 points. Nagdagdag si Jonas Valancunius ng 23 points at 10 rebounds.

Comments are closed.